Una sa Balita

OH LABAN KA?!: BUBOY AT DYOWANG KANA, ‘GIRL’ ANG UNANG BABY!

By
0 9

Nagpa-baby shower na sina Buboy Villar at American girlfriend nitong si Angillyn Serrano Gorens.

Naka-post sa Instagram ni Buboy ang dalawang photos na kuha sa party na may motif na red at pink. Nakasulat pa sa party ang ‘girl’ na siyang magiging anak ni Buboy.

“Maraming salamat Ama sa lahat po ng eto at maraming salamat sa family at tumulong. Best night ang nangyari nato ILoveyou Baby Nazareth, See You Soon,” sabi ni Buboy.

Nakasulat sa cake ang buong pangalan ng magiging baby nina Buboy at Angillyn na si Angelica Nazareth. Nag-comment naman ang kasintahan nito ng “ILOVEYOU mahal ko @buboyvillar I can’t wait to see our baby girl.”

Walang dudang masaya si Buboy sa piling ng kanyang girlfriend at sa magiging baby nila.

Makikita ito sa Instagram photo post ni Buboy na pawang masaya ang mood nilang dalawa.

Isa nga sa nakakakilig na mensahe ni Buboy sa kasintahan ay nung birthday nito. Nakayakap sa kanya si Angillyn pero nakatago naman ang mukha nito sa kanyang likuran.

“Happy Birthday sayo mahal ko. Haha, wala ako mapili na picture eh btw asawa ko sana maraming marami pa na birthday na magkasama tayo tumatanda ka na rin hahaha joke!

Mahal ko this is your day sana mag-enjoy ka kasi gusto ko lagi na nakikita ka Masaya,” sabi ni Buboy.

Sagot na comment naman ng kasintahan niya, “Thank ko asawa ko! Hahahaha! napili mo talaga yung picture na hindi kita dace ko!! Hahaha! Jk Iloveyou. Salamat po!”

Daniel, representative na ng Pinas!

Tuluyan na ngang niyakap nang husto ni Daniel Matsunaga ang Pilipinas ngayong kabilang siya sa isang tournament na pawang mga Pilipino ang delegado.

Naka-post sa Instagram wall ni Daniel ang isang short video kaugnay sa isang sports opening program sa Brazil.

Isa si Daniel sa limang atleta na maglalaro ng football para sa taong ito ng Neymar Jr’s Five o best five sa Brazil. Nakasaad sa caption ni Daniel ang pagri-represent niya ng bansang Pilipinas.

Isang Brazilian ang Kapamilya actor dahil sa modeling kaya napadpad ito ng Pinas.

“And group D we are! Representing Philippines in Brazil #newmarjrsfive,” sey ni Daniel.

Nag-poste si Daniel nung July 4 ng photo collage ng praktis nila sa Pilipinas para ipagmalaki ang pag­lipad nila sa Brazil para sa tournament na to.

“On the way to Brazil. One more dream coming true! Can’t wait to represent the Philippines in street soccer for Neymar’s tournament worldwide with around 53 countries joining the games!

“We count on your prayers and support! God bless us all J Will Keep u all updated!! Thanks @van_25 @lomi2k5 for the video collage! #neymarjrsfive #TeamNaxional,” sabi pa ni Daniel.

Umani naman ng support at positive comments si Daniel mula sa kanyang mga Pinoy fans.