OH LABAN KA?!: AUBREY MILES, NAGHUBO SA PALAWAN!

By

Only at @twoseasonsphilippines

A post shared by Aubrey Miles (@milesaubrey) on

Masyadong nadala si Aubrey Miles sa ganda ng Palawan, partikular na sa tinutuluyan nila ni Troy Montero, kasama ang kanilang mga anak, ang Two Seasons Resort. Hindi nga nagkasya si Aubrey na mag-bikini lang sa kung saan-saang lugar sa resort at dagat, na halos bulaklak at pa­sas na lang niya ang nakatakip, dahil hayun nga at naghubo at hubad pa talaga si Aubrey.

Nagpakuha nang walang saplot si Aubrey sa gitna ng tirik na tirik na araw sa tinutuluyang pool. Patalikod ang pagkakakuha ng larawan ni Aubrey na naka-poste sa kanyang IG wall at makikitang tinanggal niya ang lahat ng saplot sa katawan niya.

Kahit bumubula ang tubig sa Jacuzzi, naaninag pa rin ang hiwa ng puwet ni Aubrey na bahagyang nakalublob sa tubig. Ayaw talagang paawat ng aktres at nagpakuha pa rin siyang nakaupo sa gilid ng pool na wala siyang suot.

Aubrey
Aubrey

Inggit na inggit ang mga kalalakihang followers ni Aubrey sa IG niya dahil nagawang halikan ng sementadong gilid ng pool ang hiyas ng aktres. Lapat na lapat ang bulaklak ni Aubrey sa kongkretong semento na kung may buhay ito, umungol na ito sa sarap.

Nag-fiesta naman ang mga kaharap na bundok ng aktres lalo’t malayo nilang nabosohan ang alindog ni Aubrey.

Wala namang kaso kung maghubad si Aubrey.  Pinaghirapan niya ang kanyang katawan at proud pa nga siyang ipangalandakan ito.

Siyanga pala, isa si Aubrey sa bida sa pelikulang pang-TV ni Direk Brillante Mendoza na ipinapalabas sa TV5.  Tungkol sa lesbianism ang nasabing episode.

JOEM, WALA PANG PLANONG PAKASALAN ANG GF!

Suwerte raw na masasabi ni Joem Bascon ang pagkakaroon niya ng 6-year-relationship ngayon. Mahaba na kasi ito kumpara sa ibang relationship na kasal na.

Wala pang nakikitang posibleng engagement proposal si Joem sa kanyang kasintahan lalo at naka-focus pa rin ngayon ang aktor sa kanyang karera. Isa sa mga bida ng lalabas na afternoon soap sa ABS­ CBN 2 si Joem, ang Pusong Ligaw, kung saan ang karakter niya ay kasintahan ni Beauty Gonzales na nagkaroon ng sexual relationship kay Bianca King.


Ang role ni Joem ang dahilan kung bakit nasira ang pagkakaibigan nina Beauty at Bianca. Malaking opportunity para kay Joem ang partisipasyon niya sa serye dahil maraming puwedeng kunin para sa role, pero sa kanya ipinagkatiwala ng production.

Naniniwala si Joem na posibleng mabawasan ang karisma niya kapag nag-asawa siya. Baka lumiit na ang exposure niya at hindi na siya mabigyan ng mga bida roles.

Gusto raw muna ni Joem na katasin pa kung ano ang maari pang maibigay sa kanya ng industriya habang wala pa siyang asawa. Hindi man direktang sinasabi ni Joem pero mukhang umaasa pa ito sa ‘big star’ break ngayong bigla na lang nagiging hot item ang mga dating sumusuporta lang o ang matagal na ring mga artista sa showbiz gaya ni Ian Veneracion, Sylvia Sanchez, Dimples Romana at iba pa.

Handa naman daw maghintay ang kasintahan ni Joem sa takdang panahon na puwede na silang pakasal.

Samantala, bilib na bilib si Joem sa husay umarte ni Bianca King. First time raw niyang makasama ang mestisahing aktres at nagulat siya sa lalim nitong humugot sa kanilang mga eksena.

Hindi na kinailangan pang mag-audition ni Bian­ca sa role. Kusang hinanap ng production si Bianca para sa role na best friend ni Beauty na ang pangarap ay maging isang beauty queen.


SHARE