Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ARJO, MARKADO ANG HUSAY SA AKTINGAN!

By
0 107

Hanggang sa socmed ay umaalingawngaw ang bagsik ng ibinigay na performance ni Arjo Atayde sa nakaraang episode ng FPJ’s, Ang Probinsyano.

Ang kasamaan ng karakter ni Arjo bilang si Joaquin ang isa sa mga nagpakulay ng wedding episode nina Yassi Pressman at Coco Martin, dahilan para gumawa ng gulo sa nasabing scene.

Nagmarka ang episode na ‘yun sa tangka ni Joaquin o Arjo na patayin ang karakter ni Coco.

Hindi pa halos kalmado ang ilang mga kasamahan ni Arjo sa seryeng ito na kinabibilangan niya, kaya idinaan ng mga ito ang kanilang paghanga sa husay ng aktor.

Sa post ni Yassi sa kanyang Instagram account, ipinaskil niya ang larawan nila ni Arjo na kuha sa kanilang eksena. Nakaharap ang aktor sa malalim na pagkakatitig niya habang nasa likod naman niya ang aktres na gulung-gulo ang itsura dulot ng pagsabog.

Huli ka! ? #FPJAPHulingHarapan

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

“Wala kaming ipagpapasalamat sa mga ginawa ni Joaquin Tuazon dahil sa mga hindi masikmurang kasamaang ginawa niya. Pero kung gaano man po kami at kayo galit sa kanya, ay kabaliktaran naman po ng pagkakaibigan at pagmamahal namin kay @ArjoAtayde dito sa aming set.

“Di ka namin mami-miss sabi mo diba? Bisita ka agad sa amin Brother!!! Paalam Joaquin! Napakahusay mo!!! #FPJAPBagongBuhay,” sabi ni Yassi.

Proud naman ang kanyang kapatid na artista rin ng Kapamilya network, na si Ria Atayde.

“What a journey it has been. It has been a pleasure and an honor seeing you not only do well but even find ways to improve your craft. You know I’m always so proud of you @arjoatayde. Farewell, Joaquin, even I will miss you #FPJAPBagongBuhay.

“PS…iniwan mo ako sa ere wala na akong ka-back-to-back, wag ganon broooo!” sabi ni Ria, na ang tinutukoy na show ay ang Dear Heart nila nina Zanjoe Marudo, Bela Padilla at Ms. Coney Reyes.

Nagpasalamat naman sa kanyang IG si Arjo…

“You will forever be a part of my life… I will miss you Joaquin. You’ve done so much to me… I love you Joaqz. Till we meet again… #JoaquinTuazon #TeamPromdi FOREVER,” say pa ni Arjo.

Ilan pa sa mga stars na humanga sa husay ni Arjo ay sina Gretchen Barretto at Sofia Andres.

Alma, nakakabilib ang katatagan! Winwyn at Ness,
nagkatampuhan!

Maging mas lalo pang matatag, at tibayan pa ang dibdib, ang mensahe ni Winwyn Marquez sa kanyang ina na si Alma Moreno, na nag-birthday last May 26.

Dalawang photos ang pinoste ni Win sa kanyang Instagram. Ang isa ay kasama niya ang Mommy niya na nilagyan niya ng simpleng caption na, “Happy-happy birthday Mama!”

Ang ikalawa ay hawak-hawak ni Ness ang cake na sinulatan ni Winwyn ng caption na…

“Oh, mama…makita ka nakangiti ng ganyan ibang-iba sa pakiramdam namin…sa lahat ng pinagdaanan mo never mo pinakita na nanghihina ka o kaya umiyak ka or whatever. Lagi ka taas noo at lagi mo pinapaalala sa amin na positive lang at lahat ay magiging okay.

“Napaka-tough mo and ahhh basta, ibang klase ka. I love you Mama sooo much. We love you ma… thank you Ma, Happy Birthday.”

Mukhang nagkatampuhan ang mag-ina na naa­yos lang dahil sa mga hashtag na sinulat ni Win na #promisenosecrets #thebestmom.

Hindi na nagdetalye pa ang aktres sa sinasabing promise no secrets kaya hindi nalaman ng lahat kung ano ang ibig nitong sabihin,

Anyways, totoo namang isa sa pinakamatibay na aktres ay si Alma. May karamdaman ito pero hindi ito kailanman tumigil sa kanyang serbisyo publiko.

Nakulong ang anak niyang si Mark Anthony Fernandez pero hindi kailanman nakitaan ng panghihina ang dating sexy star.

Siguradong naga-alala rin ang aktres sa mga tao sa Marawi City lalo at ex-husband niya ang Mayor doon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy