Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ANGELINE, NATAKOT PABUNTIS KAY ERIK!

By
0 627

Ang pag-amin ni Angeline Quinto na tumatanggap siya ngayon ng mga manliligaw ang nagpabuko sa naudlot na relasyon nila ng Prince of Teleserye Theme na si Erik Santos.

Sa panayam kay Angeline, ang bida sa pelikulang Foolish Love, kasama si Jake Cuenca, na dinirek ni Joel Lamangan para sa Regal Entertainment Inc., sinabi niyang may mga manliligaw sa kanya ngayon.

Eh ‘di ba, balita last year ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Erik kung saan makikita pa sa kani-kanilang mga Instagram accounts ang mga lambingan nila, lalo na kapag nasa abroad sila.

Pero, hindi na nga nagpaliguy-ligoy pa na inamin ni Angeline na hanggang sa pagiging ‘special’ lang umabot ang kanilang samahan.

Ang hindi pa handang pabuntis ang isa sa ma­tinding dahilan kung bakit minabuti ng dalawang manatiling maging magkaibigan na lang.

Sinabi nga ni Angeline kay Erik na hindi pa siya handang magkaanak. Paliwanag ni Angeline, naoobserba­han daw niya kay Erik na gusto na nitong magka-baby. Madalas kapag nakakakita raw ito ng mga bata, sinasabi ng balla­deer na gusto na nitong magka-baby na.

Last year lang daw nung prangkahin ni Angeline si Erik na wala pa sa plano niya ang magpabuntis. Sinabi rin niya kay Erik na kung hindi ito makakapaghintay puwede naman itong maghanap na ng iba.

Pero nililinaw ni Angeline na maayos ang samahan nila ni Erik sa kasalukuyan. May mga isyu raw na magkagalit sila dahil wala na itong panahon sa kanya.

Anyway, nagpapa­ligaw lang, pero wala sa priority ni Angeline ang magkaroon ng boyfriend.

Ayaw daw niyang ma­ging unfair sa boyfriend kung lagi itong bigo dahil wala siyang oras para rito.

Gretchen, winner sa ‘Huwag Ka Nang Umiyak’

Gretchen Barretto
Gretchen Barretto

Ang pagkanta ang isa sa mga hindi yata kayang kalimu­tan ni Gretchen Barretto kahit hindi siya visible sa acting sa kasalukuyan. Laging nakikita sa kanyang Instagram wall na kumakanta si Greta kasabay ng piano.

Last year ay naging madalas ang pagdalo ng fashio­nista sa mga parties na may live band o piano. Sa pinaka-latest posting ni Gretchen ng kanyang vi­deo sa IG, ang pagkanta sa minus one ng ‘Ang Probinsyano’ team naman ang napagtripan nitong kantahin.

Kumanta sa sarili niyang version ng awiting Huwag Ka Nang Umiyak si Greta na mapapanood sa selfie video na kinunan niya sa kanyang kuwarto.

Dalawa ang pinosteng video ni Gretchen na kumanta siya ng nasabing awitin. Ang unang video ay may caption na, “Some Me time before I go to sleep”. Ang ikalawang video ay nagsasabing nagpapaantok siya para sa work out niya kinabukasan.

Ang nasabing kanta raw ang pinakapaborito niyang music ngayon.

“I’m such a lover of Tagalog love songs,” say pa ni Gretchen.

In fairness, nakanta ng maayos ni Gretchen ang awitin na hindi kinakailangan ng sound-filter of patungan ng ilang tracks para maging malinis ang kanta.

Ilan sa mga nag-like at nag-comment ng maganda ay ang magkapatid na Ria at Arjo Atayde. Si Arjo ay kontrabida ni Coco Martin sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN 2.

Si Sylvia Sanchez na ina nina Arjo at Ria ay kaibigan ni Gretchen, at nakasama nito sa pelikulang The Trial na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola, kasama si Richard Gomez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy