Una sa Balita

OH, LABAN KA?!: ANDI, HALING NA HALING SA BOYLET NIYA!

By
0 13

Marami ang naiinggit kay Andi Eigenmann ngayon dahil sa mga photos na pinu-post niya sa kanyang In­stagram wall. 

Kuha ang mga larawan sa bakasyon at surfing nila ng kanyang boyfriend na si Emilio Arambulo sa Siargao.

Why u mad yo?😂 #MermaidWanders

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Marami ang huma­hanga sa kaseksihan nga­yon ni Andi. Kaya todo-display siya nito, suot ang 2-piece light blue swimwear.

Napansin ng mga followers at fans niya sa Instagram ang malaking ipinayat ni Andi. Kaya kitang-kita ang hubog ng katawan niya, lalo na sa photo na naka-side view siya.

Pero ang mas nakapukaw ng atensyon ng mga followers ng aktres ay ang kanyang boyfriend na si Emilio Arambulo.

Ito talaga ang dahilan kung bakit kinaiinggitan si Andi sa post niya dahil natatakam din ang mga followers niya sa kaseksihan ng boyfriend niya.

Magkasama sila sa larawan kung saan naka-side view si Andi at natatakpan ng kanyang braso ang mukha niya. Nakasandal sa pader ang boyfriend niya na seryosong nakatingtin sa aktres.

Makikita sa larawan ang ka-machohan ng boyfriend ni Andi na binagayan ng mahaba nitong buhok.

Alsado rin ang muscles nito sa dibdib, nasa porma ang biceps at triceps nito at impis na impis­ ang kanyang tiyan at wala talagang bilbil ang la­lake.

Mistula ngang Italian model ang boyfriend ni Andi. Kung hindi mo kilala ang lalake, mapagkakamalan mo siyang foreigner na nagbabakasyon sa Siargao dahil sa itsura niya.

Guwapo si Jake Ejercito na dating kasintahan ni Andi, pero kakaiba naman ang animalistic appeal ng current boyfriend ni Andi.

Kaya hindi na dapat pagtakhan pa kung bakit haling na haling si Andi sa kanyang kasalukuyang boylet dahil bukod sa napakabait nito daw nito, parehas din sila ng trip sa buhay  ang galugarin ang mga magagandang beaches sa buong Pilipinas.

Ilan sa mga followers ni Andi ang nag-comment ng kanilang paghanga sa kaseksihan ng boyfriend niya.

@2wanitz, “sarapnaman…so hot!”
@learne26, “wow I’m so jealous.”

Iya V., ‘feeling emo’ sa b-day ng anak!

Kakaiba ang mensahe ng pagbati ni Iya Villania-Arellano para sa unang taong kaa­rawan ng kanyang anak si Primo.

Kung ang ibang mga nanay, nag-post ng baby photo ng kanilang anak o kaganapan sa kaarawan nito, ang ipinoste ni Iya ay ang delivery video niya sa ospital.

Mapapanood sa video ang pagluluwal ni Iya kay Primo na may nakakabit pang umbilical cord.

Maririnig ang pagbilang ng mga nur­ses at doctor habang iniluluwal ni Iya ang kanyang sanggol.

Sa kanyang message caption, nag-pay tribute si Iya sa kanyang anak na siyang nagbibigay ng kaligayahan sa kanilang mag-asawa ni Drew Arellano.

Sinabi rin ng actress-host na kung puwede sana ay manatili na lang itong bata na laging naka-dikit sa kanila ni Drew.

“This time last year. Everyday your papa and I and everyone around you just fall in love with you, my silly lil monkey! Don’t grow up too fast ok?

Making the most of every moment especially when you’re clingy. Please need me forever! Happy 1st birthday my angel boy. #PrimoLove.”