Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ANAK NINA SHARON-KIKO, KAHANGA-HANGA ANG KASEKSIHAN!

By
0 9
Frankie Pangilinan

Biglang nabulabog ang mga fans ng Megastar na si Sharon Cuneta sa isang na-post na picture ng anak niya kay Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan. Nag-post si @megamindonliners ng picture ni Frankie na tala­gang ikinagulat ng mga netizens.

Ang @megamindonliners ay isang social media fans club ni Sharon Cuneta sa Insta­gram.

Naka-post sa wall nila ang mga ­photos ni ­Sharon, mula noon hanggang nga­yon, bilang pagsaludo sa kanilang idol.

At pati na larawan ng pamilya ng Megastar ay pinu-post o nire-repost nila, gaya nga ng latest photo ni Frankie na kuha sa isang beach resort. Naka-2-piece floral bathing suit si Frankie, pero natatakpan ng white fish net mid-rib shirt ang kanyang pang-itaas.

Kasama ni Frankie ang isang mestisuhing binatilyo na hindi naman na-identify nung nag-post kung sino ito. Pero posibleng kamag-anak ito nina Sharon.

Humanga ang mga fans sa photo na ‘yon. Makikita kasi na sa ­murang edad ni Frankie, kitang-kita na ang kasek­sihan nito.

Parang modelo ang hubog ng katawan ni Frankie na puwedeng magpatalbog sa mga young stars ngayon na pilit na pilit sa pagpapa-sexy kahit wala naman halos korte ang kanilang katawan.

Samantalang ang anak ni Sharon, kurbang-kurba ang balakang at napakaki­tid ng waistline nito.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagka­ka­taong nakitaan ng ganitong shot si Frankie at nailabas sa social media.

Wala kaming idea kung saan na­kuha ang nasabing la­rawan. Wala naman sa photo gallery ni Frankie sa Instagram ang shot.

Hindi namin alam kung nakarating na kay ­Sharon ang photo na ito ng anak. Kasalukuyang nasa ibang bansa ang Megastar para sa bakasyon.

CHERIE, NAG-MOMENT WITH NORA, JACLYN!

CHERIE, NORA & JACLYN

Isang pagkakataong posibleng hindi na mangyari uli o baka matagalan pa, na nakunan ni ­Cherie Gil sa kanyang pagpunta sa Malaysia para sa Asean International Film Festival o AIFFA, ang pagkikita nila ni Nora Aunor sa airport bago sila magtungo sa Malaysia.

Sabi pa ni Cherie sa selfie nila ni Nora…

“Together again with the NORA AUNOR for the AIFFA int’l film fest in Kuching ­Sarawak ­Malaysia 2 years later. This time to pass on the torch to the best actress and lifetime achievement awar­dee #proudmoment #kindredsouls #aiffa #philippinesrepresent good luck to all our entries.”

Sa latest photo posting ni Cherie sa Malaysia, hindi lang si Nora ang kasama niya kundi ang isa pang best actress ng Cannes Film Festival para sa Ma’Rosa na si Jaclyn Jose. Hindi pinalagpas ni Cherie ang pagkakataong magpakuha kasama ang dalawang bigating artists ng local cinema.

Siya pa mismo ang nagsabing madalang ang mga ganitong pagkakataon kaya hindi dapat palampasin.

“Moments like this don’t come around often! #captured #aiffa  #malaysia.”