Una sa Balita

OH, LABAN KA?!: ANAK NI PAULO AVELINO, LOVE NA LOVE SI PAOLO CONTIS!

By
Paulo Avelino
0 3

Dapat na ngang ma-alarma si Paulo Avelino sa role niya sa buhay ng anak nila ni LJ Reyes.

Kitang-kita na nga na malapit ang anak niyang si Aki sa boyfriend ni LJ na si Paolo Contis.

Sa mga photo postings ni LJ sa kanyang Instagram account, madalas makitang magkasama ang tatlo sa mga lakaran. Pero sa latest posting ni Contis sa kanyang IG, makikitang hulog na hulog na ang loob ng bata sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

Naka-post sa IG wall ni Contis ang screen shot ng video conversation nila ni LJ. Naka-insert sa upper left part ng photo ang mukha ng aktor na tuwang-tuwa sa nakikita niya.

Hindi simpleng posting lang ito dahil makikita sa photo ang handwritten message ni Aki na hawak-hawak pa niya ang papel, na nagsasabing mahal na mahal niya ang nasabing boyfriend ng Mommy niya na tinatawag niyang ‘Tito’.

At sa harap ng papel may drawing si Aki na magkakasama silang tatlo. Sa na­ging gestures at pagmamahal na ipinahayag ng bata kay Contis sa video chat nila, wala namang paglagyan ang malaking kasiyahan sa puso ng aktor dahil dito.

“Ilang araw nakong pagod at walang tulog dahil sa trabaho, (thank God!) pero bigla akong nagising at nabuhayan sa tawag nyo mahal @lj_reyes,” sabi ni Contis.

“Ang nakasulat: I Love two of you very muuuucchh,  I love you mommy and tito Pao! (with matching illustration).

“Ngayon, sobrang gising naman ako! Hindi ako makatulog! I miss both of you!” sabi pa rin ni Paolo.

“Surprise nya daw dapat yan sayo! Di nakatiis!” sey naman ni LJ.

Well, walang dudang close na close na si Aki kay Contis. Sa interview kay Avelino, sinabi niyang hindi man sila nagkakasama ng kanyang anak, siya pa rin ang ama.

AUBREY, ‘FITSPIRATION’ PA RIN NI TROY!

Nanatiling matatag ang pagsasama bilang mag-asawa nina Troy Montero at Aubrey Miles base sa palitan nila ng anniversary messages. Mas emotional at passionate nga lang si Troy kesa kay Aubrey pagdating sa mensahe.

Nag-post si Troy ng throwback photos nila ni Aubrey, na kuha 15 years ago. ‘Yun daw ang simbolo kung saan sila nagkakilala at kung paano sila nagkamabutihan.

Nakasaad sa mensahe ni Troy ang malaki niyang pasasalamat sa pagdating ni Aubrey sa buhay niya at kung paano niya nakikita ang sarili sa mas maraming taon pa nilang pagsasama.

Sa itsura ni Troy na hanggang ngayon ay masarap pa rin sa paningin ng mga babae at bakla, hindi mo aakalaing mas ito pa ang may malaking pagmamahal kay Aubrey.

“Can you imagine this is the photo that started it all. Almost 15 years ago, I heard of you, I was intrigued by you, I stalked you until I finally arranged a guest opening dance number on then noontime show MTB (ABS CBN 2), (I was pretty big then, had a little clout lol)

“This is our very 1st photo together, taken by my assistant Mia on her little manual film camera. All I can say is that you have brought me so much joy in my life. We laugh, we cry, we laugh again and I wouldn’t change a thing knowing that it would bring us to where we are now.

“You are the love of my life, my fitspiration, the Mother of my Dragons (I call them lil monsters) and the Queen of my heart. I’m so blessed to have you by my side for the last 14 years.  Happy anniversary my sweetness, here’s to the next 14 years. I love you @milesaubrey,” say ni Troy.

Sa IG naman ni Aubrey, nag-post din siya ng throwback photo ni Troy, nu’ng bagets pa ito at mahaba pa ang kulut-kulot nitong buhok.

“Good Morning, Happy 14th my sweetness @troymontero. Makapag-throwback Thursday na rin naisingit pa,” sey naman ni Aubrey, na simple lang at parang hindi masyadong pinag-isipan.