Una sa Balita

OH LABAN KA?!: ALEX AT MIKEE, SA 2020 PAKAKASAL!

By
Mikee at Alex Gonzaga
0 33

Three years ang ibinibigay ni Alex Gonzaga na palugit para sa inaasam niyang kasal. ­Meaning, sa 2020 ay pakakasal na siya sa kanyang boyfriend.

Ayaw daw tularan ni Alex ang kapatid na si Toni na tumagal ng 8 years ang relasyon, bago nagpakasal kay Direk Paul Soriano.

Nais ni Alex na umabot lang ng 4 years ang relasyon nila ni Mikee Morada bilang mag-boyfriend, at pakakasal na sila agad.

Sabi pa ni Alex, seryoso siya sa relasyon nila ni Mikee, at hindi na raw niya gustong tumanda bago magpakasal. Pagdating daw niya ng 30, dapat ay kasal na siya.

Nagbiro si Alex at sinabing pini-pressure raw niya ngayon ang kanyang boyfriend dahil sa itinakda niyang marrying age. Gusto raw ni Alex na ma-enjoy ang kanyang mga magiging anak.

Wala na ngang ibang nakikitang mapapangasawa si Alex kundi ang boyfriend niya ngayon. Kuwento niya, nung una hindi raw talaga niya gusto si Mikee at kaibigan lang ang turing niya rito nung ipakilala ito sa kanya ni Piolo Pascual.

Wala raw kasi sa mga qualities na hinahanap niya sa isang lalake si Mikee, lalo na ‘yung pinakagusto niya na pagiging chinito. Pero sabi nga ni Alex, ‘yun daw yata ang gusto ng Diyos na hindi ibibigay sa iyo ang lalakeng gusto mo.

Pagdating naman sa kanyang pamilya, madali raw natanggap si Mikee ng ­parents niya dahil napakagalang nito at marespeto. Nu’ng umpisa hindi raw tanggap ng Ate Toni niya si Mikee.

Pero nu’ng naobserbahan daw ng ate niya ang mga magagandang qualities ni Mikee, tinanggap na raw nito ang boyfriend niya.

Samantala, kung blessed si Alex sa kanyang lovelife, blessed din ito sa kanyang TV career.

Sila ni Robi Domingo ang hosts ng bagong show na I Can Do That ng ABS-CBN 2, na kinabibilangan ng mga challengers na sina Arci Muñoz, Pokwang, Daniel Matsunaga, Cristine Reyes, Gab Valenciano, Wacky Kiray, at marami pang iba.

GAB V., MALABO NANG BALIKAN SI TRICIA!

Inilabas ni Gab Valenciano ang mga ex-girlfriends niya sa nasirang relasyon nila ni Tricia Centenera. Isa sa mga lumabas na haka-haka sa hiwalayan nina Gab at Tricia ay dahil sa gusto pa rin daw nito sina Rachelle Ann Go at Coleen Garcia.

Sabi ni Gab, nu’ng naging sila ni Tricia, wala na raw sa sistema niya ang mga ex-girlfriends niya.

Wag na raw idamay ang mga ex-GFs niya sa ­pumalpak na relasyon nila ni Tricia.

Inamin ni Gab na may mga pagkakamali at kasalanan siya sa asawa. Pero, ayaw na niya itong idetalye. Mariin din niyang itinanggi na pera ang dahilan ng hiwalayan nila ni Tricia.

Giit ni Gab, nagsumikap at nagtrabaho siya sa Amerika kaya hindi niya kailangang pakialaman ang pera ng iba.

Anyway, nasa proseso ng divorce sina Gab at Tricia, na sa US nga sila ikinasal. At mas maayos daw ang samahan nila ngayon bilang magkaibigan. Malabo na raw magkabalikan pa sila.

Sa ngayon ay walang plano si Gab na bumalik sa US para sa kanyang career. At katunayan, kasama siya sa show na I Can Do That na sina Alex Gonzaga at Robi Domingo ang hosts.