Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ogie, Vhong kuwela ang tandem

0 297

Masaya si Ogie Alcasid sa magandang feedback sa guesting niya sa ‘It’s Showtime’ bilang host.

Gusto ng mga avid viewer ng ABS-CBN noontime ang ‘tandem’ nila ni Vhong Navarro sa show.

Magho-host muna si Ogie sa ‘It’s Showtime’ habang absent si Vice Ganda.

Pero may iba rin daw siyang mga commitment, kaya hindi tuloy-tuloy ‘yon.

“May shoot kasi kami ng commercial, kaya sa October 13, kailangang mag-quarantine ako for that. Pero after naman, puwede na uli,” pahayag ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

Vice Ganda matagal mawawala sa ‘Showtime’

Bakit nga ba wala sa ‘It’s Showtime’ si Vice?

Akala ng iba, nakaalis na si Vice pa-Los Angeles, California kasama ang dyowa niyang si Ion Perez para sa three shows nila roon.

Pero October 15 & 16 pa ang ‘Vax Ganda: A Dose of Laughter’ sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California at October 24 naman ang show nila sa Mohegan Sun sa Uncasville, Connecticut.

Ang alam ko, October 11 pa aalis si Vice at ang kanyang mga kasama, pero ang tsika nga ng isang tinanong ko, nagkwa-quarantine muna ang TV host-comedian sa kanyang bahay.

Pero nag-request na raw si Vice sa promoter ng mga show niya, kay Anna Puno, na pupunta na siya kaagad sa LA, so, kundi mamayang gabi (Tuesday), bukas (Wednesday) ang alis nila ni Ion pa-America.

May tatlong iba pa raw na kasama si Vice na aalis at susunod na lang ang iba sa October 13 (kasama na ang nanay niya na si Mommy Rose).

Wala naman daw problema sa ABS-CBN na matagal mawawala si Vice sa ‘It’s Showtime’ dahil maayos naman daw ang pagpapaalam niya.

Noong una nga pala naka-schedule na mag-taping si Vice ng maraming episodes para sa ‘Reina ng Tahanan’ segment ng kanilang noontime show, pero nabago ‘yon. Tatlo lang daw ang nai-tape niya.

Ang alam ko, hanggang October 29 sa Amerika si Vice (sa New York City na raw sila manggagaling pabalik ng Philippines) at pagbalik nga nila sa bansa ay may hotel quarantine pa sila, kaya medyo matagal-tagal din siyang mawawala sa ‘It’s Showtime’.

Eh, next year ay may part two ang ‘Vax Ganda: A Dose of Laughter’ sa America. Bale apat na shows ang ipo-produce ni Anna for Vice sa March, 2022.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.