Una sa Balita

Ogie umamin sa ‘nakaraan’ kay Ina

0 799

abante-anything-goes-jun-lalinKahapon ay biglang umamin si Ogie Alcasid sa nakaraan nila ni Ina Raymundo, ang leading lady niya sa pelikulang Kuya Wes. Imagine, biglang-bigla umamin si Ogie na 25 years ago, nanligaw siya kay Ina.

Tinanong kasi si Ogie kung pinantasya ba niya si Ina noon.

“Minahal ko siya!” ang sagot ni Ogie, na umamin nga na dalawang beses siyang nagpunta sa bahay ni Ina.

Pero, hindi raw nauwi sa relasyon ang lahat. Kaya sa presscon kahapon ng Kuya Wes, biglang nabuhayan ang mga taga-media, dahil may bonggang nakaraan pala ang dalawa.

Mga fan ni Nora super lungkot sa pagtatapos ng ‘Onanay’

Ang Onanay ang papalitang show ng Sahaya na magsisimulang umere sa March 18.

Marami ang nagtataka kung bakit tatapusin ang Onanay samantalang ito ang nangungunang show ng GMA 7 at madalas pa nga nilang matalo sa rating game ang katapat nilang The General’s Daughter ng ABS-CBN.

May isang taga-Kapuso network na nakatsikahan ko kahapon at sinabing hanggang doon na lang talaga ang “buhay” ng Onanay.

Ilang beses na raw kasing in-extend ang nasabing show na kasama ang Superstar na si Nora Aunor at lalaylay na kung pipilitin pang i-extend na naman.

Kung matatandaan, noong una ay may lumabas na eight weeks lang dapat ang Onanay at humaba na nang humaba ‘yon.

Sad na ang mga fan ni Nora dahil magtatapos na nga ang show niya sa Siyete.

Anyway, mukhang maganda naman ang Sahaya na pagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix at pinag-uusapan ang mga inilalabas na teaser ng Siyete sa bago nilang series.

Maymay nganga pa sa life story ni Catriona

May isang taga-ABS-CBN naman ako na nakatsikahan.

Involved ang taong ‘yon sa MMK (Maalala Mo Kaya).

Inusisa ko siya kung talaga bang gagawin na sa kanilang show ang life story ni Miss Universe 2018 Catriona Gray?

“Hindi pa po! Nakatali pa si Catriona sa Miss Universe. So, hindi pa maaasikaso,” sabi niya.

Siyempre, kailangan nilang interbyuhing mabuti si Catriona para sa script na isusulat nila at hindi pa nga naman sila mahaharap ng ating Miss Universe.

So, si Maymay Entrata ba talaga ang gaganap na Catriona if ever na matuloy na ang pagsasadula sa MMK ng life story ng beauty queen?

“Hindi ko sure, eh,” sabi pa ng katsika.

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy