Una sa Balita

Ogie, Regine todo honeymoon ngayon

Pagbubuntis suntok sa buwan

By
0 2,276

Isinabay na nina Ogie Alcasid ang much-delayed honeymoon nila ng asawang si Regine Velasquez-Alcasid sa nakaraang birthday celebration ng asawa. Ibinisto ito ni Ogie sa nakaraang post niya sa kanyang Instagram.

“Since we got married, we haven’t really had a ‘real’ honeymoon since we wifey got pregnant straight away. This time, we have four days t celebrate her birthweek and enjoy our delayed honeymoon. #tyLord for this. @reginevalcasid.”

Of course, suntok sa buwan kung muling mabubuntis si Reg. Feel niyang mabuntis after ng panganay nilang si Nate pero mukhang wala sa bokabularyo niya na gumamit ng scientific me­thods para lang mabuntis, huh!

Alfred isinusulong ang ‘Philippine Film Incentives Act’

Nakalinya rin ang pagtulong ni Congressman Alfred Vargas sa movie industry sa pamamagitan ng pagsusulong ng batas gaya ng Philippine Film Incentives Act.

Ayon kay Cong. Vargas nang makausap ng press isang Thanksgiving Salu-Salo, may nakalaan na P5M sa mananalo ng major award like best picture sa international film festival.

“Bibigyan ka dapat ng gobyerno. Kapag best actor, P1M. Meron din sa best supporting, best producer. Kasi we want to encourage the likes of Lav Diaz, Brilliante Mendoza. From the national budget ‘yon. Kaya namang gawin ‘yon,” pahayag ni Cong. Alfred.

Tumatanaw ng mala­king utang na loob si Alfred sa entertainment industry dahil nakilala siya bilang magaling na aktor at nakatulong din ang pagiging artista niya para palarin siya sa mundo ng politika. Napapanood sa kasalukuyan si Cong. Alfred sa Kambal, Karibal ng GMA Network.