Una sa Balita

Ogie, Regine gagawa ng baby

Boracay dinagsa ng mga celebrity bago magsara

By
0 6,960

Maraming artista, taga-showbiz ang sad sa nalalapit na pagsasara ng Boracay island sa April 26 at wala na nga muna ‘yung yearly event na LaBoracay na itinataon sa Labor day weekend.

May ilang celebrities ako na kilala na sasamantalahin ang pagpunta sa Boracay habang hindi pa sila nagsa-shut down.

Ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid, pupunta roon sa April 23 pagkatapos ng birthday ng huli. Mag-stay na sila roon hanggang magsara ang lugar na ‘yon. Marami rin kasing magagandang memories sina Ogie at Regine sa Boracay.

Sabi sa akin ni Ogie kahapon, silang dalawa lang daw ni Regine ang magbabakasyon sa Boracay.

Teka! Kung sa Balesin island ay hindi sila nakabuo ng baby dahil marami silang magkakasama, sa Boracay kaya ay makabuo na kaya sila ng baby number 2?

Well…

Rachelle Ann, Martin ikakasal bukas

Bukas (April 18) ang kasal ni Rachelle Ann Go at ng fiancé niyang si Martin Spies sa Boracay. Noong Sunday pa lang ay nasa Boracay na si Rachelle Ann para fresh na fresh siya bukas sa kanyang wedding.

Ang ilang mga kaibigan ni Rachelle, nagpunta na rin doon kahapon. Hindi nga lang masabi ng isang napatanungan ko kung may celebrity-friends ba si Rachelle Ann na pupunta rin ng Boracay para sa kanyang wedding.

‘Very private and among friends lang’ ang description ng isang malapit sa singer/actress tungkol sa kasal niya bukas.

Pero sa mga kasamahan ni Rachelle Ann sa management company niya na Cornerstone, pupunta raw sina Erik Santos, Yeng Constantino at Kyla.

Miriam ayaw nang sariwain ang kasal

Isa sa mga celebrity na ikinasal sa Boracay ay si Miss Universe 1999 1st runner-up Miriam Quiambao. Ikinasal sila ni Claudio Rondinelli noong January 5, 2004 sa lugar na ‘yon, pero nauwi nga sa hiwalayan ‘yon, kaya hindi kasama ‘yon sa magagandang memories ni Miriam sa nasabing island.

“Actually, medyo kinalimutan ko na ang wedding ko na ‘yon dahil hindi na existing,” sabi ni Miriam na kasal na ngayon kay Eduardo ‘Ardy’ Roberto, Jr., isang Christian author at motivational speaker.

Wonderful moments with friends and family na lang ang naaalala ni Miriam at hindi na kasama roon ang wedding sa first husband niya.

“Naaalala ko ‘yung mga New Year noong single pa na in-spend ko roon with friends. Nanonood kami ng fireworks ‘pag countdown na. Ang saya, pati ang pagwa-watch namin ng sunset sa station one.

“‘Tapos lumilipas ‘yung oras na hindi mo namamalayan dahil nanonood lang kayo ng mga taong dumaraan sa beach. Eh time goes by so fast, ‘di mo nararamdaman.

“Hindi ko rin malilimutan at gustung-gusto namin ‘yung Jonah’s fruit shakes. Sikat na sikat ‘yon sa Boracay. Favorite ko ‘yon.

“Ang dalas din naming mag-taping do’n ni Paolo Bediones ng Extra Challenge, kaya ang dami talaga naming memories doon,” pag-alala pa ni Miriam.

Hindi naman kontra si Miriam sa pagsasara at pagre-rehabilitate sa Boracay.

“Kailangan na kailangan na talaga na i-rehabilitate, sayang kasi. So much potential, sadly na-mismanage. Famous beach pa naman, kung hindi i-rehabilitate, sayang. It will open more doors naman for more businesses and tourism for our country,” sabi pa ni Miriam.

Say namulot ng basura

Kahapon naman, nasa Boracay ang Pinoy Big Brother season one alumna na si Say Alonzo at sumali siya sa One Boracay, Save Boracay beach cleanup.

Inusisa ko si Say kung ang grupo ba nila ay nagpaplano na pigilan ang pagsasara ng Boracay?

“Hindi. Alam na naman ng lahat na hindi na mapipigilan ang pagsasara ng Boracay. Parang pakikiisa na rin ‘yon ng stakeholders at resorts owners sa paglilinis sa Boracay. Bale namulot kami ng mga lumot na kulay brown na nga.

“Namulot din ng ibang mga basura, pero in fairness, malinis na sa mga beach. Wala na ‘yung mga basurang nakakalat. Marami na rin kasi ang namumulot ng mga basura,” sabi ni Say na inimbitahan daw roon ng kaibigan niya na owner ng isang beach resort.

Naikuwento rin ni Say na kahapon ay may job fair din kung saan ay puwedeng mag-apply ang mga mawawalan muna ng trabaho.

“Maganda nga ‘yung cleanup drive na ginawa kanina, pati ‘yung nagaganap na job fair ngayon,” kuwento pa ni Say.