Una sa Balita

Ogie, Regine gagawa ng baby sa Balesin ngayong Holy Week

By
0 3,056

Bukas ang alis ng pamilya ni Ogie Alcasid pa-Balesin Island. Doon sila magbabakasyon dahil may special show si Regine Velasquez-Alcasid on Saturday.

Bale back-to-back si­na Martin Nievera (na March 30 ang show) at ang Asia’s Songbird.

Si Ogie naman, sasamahan lang ang kanyang misis at kasama rin nila si Nate, Leila Alcasid at ilang mga kapamilya nila. Bale hanggang sa Sunday raw sila sa Balesin Island.

At dahil pahinga nga siya at si Regine ay isang araw lang magsu-show, biniro ko si Ogie na baka masundan na nila si Nate.

“Puwede!” ang reaction ni Ogie.

Actually, parang hindi na naman umaasa ang mag-asawa na magkakaroon pa ng isang anak, pero who knows, baka nga naman makatsamba sila at masundan na si Nate, huh!

Siyanga pala, masaya si Ogie na nagsimula na siya sa sitcom na Home Sweetie Home kung saan ay kasama na niya sina Toni Gonzaga, Piolo Pascual at Rufa Mae Quinto.

Parang reunion na rin nila ‘yon ni Rufa Mae na matagal niyang nakasama sa Bubble Gang ng GMA 7.

Dalawa ang characters na ginagampanan ni Ogie sa nasabing sitcom, sina Ireneo at Irenea at kahit mahirap ang ginagawa niya sa taping, wala namang siyang karekla-reklamo dahil masaya raw siya.

Medyo na-miss din kasi ni Ogie ang pag-arte sa isang sitcom, kaya natuwa siya nang isama siya ng ABS-CBN ma­nagement sa Home Sweetie Home na mukhang hindi pa naman talaga titigbakin ng Kapamilya network, ‘noh?

Paco Arespacochaga active pa rin sa concert scene sa LA

May isang kaibigan ako na ta­ga-Los Angeles, California na nagkuwento sa akin na very active pa rin pala sa concert scene ang singer na si Paco Ares­pacochaga na matagal nang nakatira roon.

Si Paco ang tatay ni Heaven na anak niya kay Geneva Cruz. Base na rin sa Amerika si Geneva.

Kuwento ng kaibigan kong si Risa Macaranas, sa April 22 daw ay may concert si Paco sa Burbank Bar & Grill kung saan ay kasama nito ang grupo niyang Introvoys.

Bukod sa pagkanta naman daw, may regular ding trabaho si Paco.

Nasa marketing team ng isang ambulance company si Paco at katulong pa nga raw niya na ang anak si Heaven doon.

Nurse ang kaibigan kong si Risa, kaya every week daw ay nakikita niya si Paco sa facility na kanyang pinagtatrabahuhan.

Siyempre, dahil nakilala naman noon sa Pilipinas si Paco, malaking tulong ‘yon sa trabaho niya.