Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ogie pinaiyak ni Leila

0 158

Nakakatuwa ang heart-to-heart na usapan nina Ogie Alcasid at Toni Gonzaga sa digital talk show ni Toni Gonzaga na “I Feel U” dahil pinag-usapan nila ang mga karanasan nila ngayong quarantine bilang magulang at asawa.

Aminado si Ogie na “perfect” at paborito niyang kasama ang asawang si Regine Velasquez ngayong may pandemya, lalo na’t dinadamayan nila ang isa’t isa ngayong hindi raw maganda ang pinagdadaanan ng bansa at maraming pamilya.

“Masarap na meron kang kasama na kumbaga when you’re not so okay, may magpapa-remind sayo na it’s okay not to be okay. Dasal lang tayo,” pagbabahagi ni Ogie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“She has her worries as a mother. As parents, tayo ‘yung nagiging frontliner ng family natin. As long as nagagampanan natin ‘yun, we try to protect our families at all times at remind everybody na we have to keep praying… We have our share of stresses pero sabi nga natin laban lang with the Lord,” dagdag niya.

Naiyak naman si Ogie noong sinamahan na siya ng anak niyang si Leila sa interview at binalikan nila ang journey nila bilang mag-ama.

Sa mga naghahanap ng mapapanood tuwing Linggo, perfect na kasama ang show ni Toni na ipinapalabas sa Star Cinema YouTube channel at iba pang ABS-CBN platforms. Talagang mapapa-“I feel you” ka sa balitaktakan ni Toni kasama hindi lang ang mga artista pero iba pang ordinaryong Pilipinong ibinabahagi ang kanilang mga nakaka-inspire na kwento sa mga manonood. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.