Una sa Balita

Ogie naospital, binawalang kumanta

By
0 1,370

Dahil masakit ang lalamunan at hindi magandang pakiramdam, nagdesisyon si Ogie Alcasid na magpa-check-up sa Medical City noong isang araw at ang sweet naman ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid dahil talagang sinamahan siya nito sa hospital.

Sabi ni Ogie, ayaw niyang basta ipagwalang-bahala ang sama ng kanyang pakiramdam kaya nagpunta na siya sa hospital para nga makapagpa-check-up.

Kahapon, sabi ni Ogie, medyo okey na naman daw ang pakiramdam niya, pero ilang araw raw siyang naka-antibiotics. Siyempre, nag-worry rin si Regine sa kalagayan ni Ogie, kaya naman sobrang alaga rin ito sa mister.

Sobrang dami ring work kasi ni Ogie lately, kaya naman hindi nakakapagtakang nagkasakit siya. Sa Home Sweetie Home nga lang, medyo mahirap din talaga ang ginagawa niya dahil da­lawa ang role niya sa nasabing sitcom at marami ring mga eksena na kailangang magsama ang dalawang character niya sa show nila nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, huh!

‘Yung NakakaLokal bar tour nga pala niya sa Chef & Brewer Café and Restaurant kagabi ay moved to June 15 na.

“No voice pa, kaya moved to June 15 ‘yung bar tour,” sabi pa ni Ogie.

Samantala, excited si Ogie para sa grand finals ngayon ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime kung saan ay isa siya sa mga hurado. Kahit kasi halos wala siyang boses, kahapon ay nag-judge pa rin siya sa nasabing singing contest ng noontime show.

Sa Sunday, magja-judge pa rin daw siya sa Your Face Sounds Familiar, pero nag-beg-off na siya na mag-ASAP dahil mahihirapan nga naman siyang kumanta. 

Piolo kinukulit ng ina na mambuntis

Nabanggit na rin lang si Piolo Pascual, naaliw sa kanya ang entertainment press na um-attend sa launch ng My Daily Collagen na new endorsement niya dahil kahit puwedeng makatulong ang produktong ‘yon para ganahan sa sex ang umiinom no’n, iginiit naman ng aktor na wala siyang sex life ngayon, huh! Ni wala rin siyang nakaka-date.

Pero siyempre, may ibang mga duda sa sinabi ni Piolo, pero hindi na lang nila kinontra ang ipinahayag ng tatay ni Iñigo Pascual.

Sa ngayon nga pala, nilinaw rin ni Piolo na kahit kinukulit-kulit siya ng nanay niya na sundan na si Iñigo ay wala pa raw muna sa plano niya na magkaroon ng baby. Kapag 50 years old na raw siya ay saka na niya susundan si Iñigo.

Naku, sa pagka-in love ni Iñigo ngayon kay Maris Racal, hindi kaya mauna pang maging lolo si Piolo kesa sa magkaanak uli siya?

Samantala, nilinaw ni Piolo ang maling akala ng iba na pambabae lang ang collagen. Mismong doktor daw niya ang nag-advice kay Piolo na mag-collagen nang magkaroon siya ng injury dahil sa badminton, kaya tamang-tama raw na may offer sa kanya noon ang My Daily Collagen.