Una sa Balita

Ogie, Moira nag-duet sa banyo

0 302

Ang bongga talaga ng Banyooke segment ni Ogie Alcasid sa kanyang YouTube channel na tinatawag niyang “Vlang”.

Kahapon, si Moira naman ang kasama niyang kumakanta. Aliw ang Banyooke ni Ogie dahil last week naman ay si Lovi Poe ang kasama niya.

Lloydie mabango sa Vhong-Tanya wedding

In fairness, maayos ang hitsura ni John Lloyd Cruz sa kasal nina Vhong Navarro at Tanya Winona Bautista sa Kyoto, Japan noong isang araw. Isa sa mga ninang sa kasalang ‘yon ang tinanong ko kung nagpagupit na ba si John Lloyd o pinusod lang ng aktor ang medyo mahabang buhok nito?

“Nakatali lang, hindi naman nagpagupit,” sey ng isa sa mga ninang.

At least, mukhang mabangong-mabango si John Lloyd sa kasalang pinuntahan, huh! Ang bongga!

Gloria Romero inaatake ng vertigo

Kausap ko kahapon ang Sampaguita Pictures veteran actress na si Daisy Romualdez at kinumusta ko sa kanya ang kaibigan niyang si Gloria Romero.

Balitang may sakit kasi ang well-respected veteran actress kaya nga hindi na rin nagte-taping ngayon.

“Kausap ko lang noong isang araw si Gloria. Nalungkot nga ako kasi hindi ko siya nadadalaw. Ok naman siya. Vertigo lang daw,” sabi ni Tita Daisy.

Sana nga maging ok na ok si Tita Gloria dahil miss na siyang mapanood sa TV ng kanyang mga fan.

Pinoy hinoldap sa California

Nang katsikahan ko kahapon si Manay Lolit Solis, pinayuhan niya ako na isulat dito sa Abante ang nangyari sa kaibigan naming si Mary Ann Opeña sa open parking ng isang malaking mall sa Cerritos, California.

Pag-park ni Tita Mary Ann at paglabas niya sa car, may humihila ng bag niya, akala niya kakilala niya na binibiro siya, kaya hinila rin niya at hilahan sila hanggang natumba na siya sa kalye at nagsisisigaw siya ng HELP! HELP! HELP!

Ang sister niya na kasama ay tinutukan naman ng baril, kaya nakuha ang bag nito na may lamang iPhone 11.

Mabuti na lang may nakakita habang hino-holdap sila, kaya nagsisisigaw at tumakbo ‘yung dalawang lalaki na naka-hood. Nakunan sa CCTV camera, pero pinaghahanap pa.

Hitsura ng eksena sa mga Hollywood movie na napakarami raw mga pulis at may helicopters pa na umiikot at iniilawan ang paligid at baka nagtatago lang somewhere ang dalawang holdaper. Kakatakot.

Nanginginig pa si Tita Mary Ann nang makausap ko siya. Nag-iiiyak. Mabuti na lang daw hindi sila binaril. Thank God!

Kaya warning, kapag nag-park kayo, tingnan mabuti ang paligid bago bumaba ng sasakyan at baka may masasamang loob pala na nag-aabang para gawan kayo ng masama!

Beware!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy