Una sa Balita

Ogie kampeon sa TFC golf tourney

0 254

abante-anything-goes-jun-lalinKahapon (Monday sa Amerika), kapalitan ko ng Viber message si Ogie Alcasid.

Kinumusta ko sila ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

“We’re good, Jun. Thank you for asking,” sey ni Ogie at ibinalitang nag-champion siya sa golf tournament ng TFC (The Filipino Channel).

“So happy. Ako ‘yung nag-champion, mga Filipino rito (Bay Area) mga nakalaban ko. Siguro, mga 100 kami,” sabi pa niya.

After nga, papunta raw sila sa dinner ng misis niya. Sobrang happy raw si Regine sa pagtsa-champion niya.

So, affected pa ba si Regine dahil sa pamba-bash ng isang tao na nagre-react dahil hindi raw na-hit ng Asia’s Songbird ang right note sa isang production number ng “ASAP Natin ‘To” in Bay Area last Sunday (Saturday sa San Jose, California)?

“Hindi siya affected, Jun. Isang tao lang ‘yon, saka maganda naman ang sagot niya. Nakaka-happy rin na napakaraming nagtanggol kay Reg!” sabi ni Ogie.

Well, sa rami naman ng nagmamahal at nagtatanggol kay Asia’s Songbird, dapat lang na huwag siyang magpa-affect sa basher na ‘yon, ‘noh?!
Samantala, hanggang sa Sunday pa sila sa San Francisco dahil may Bantay Bata at TFC event pa si Ogie on Saturday.

Arjo, Maine maglalamyerda sa New Zealand?

Nang umalis ako last Monday pa-Los Angeles, California, nakasabay ko sa NAIA 1 si ­Ahwel Paz ng DZMM.

Pa-New Zealand siya para sa Global Pinoy Idol ng DZMM at TFC.
“Sa August 8, susunod si Arjo Atayde dahil guest siya,” kuwento pa ni Ahwel.

Hmph! Tiyak na may mga mag-iisip na isasama ni Arjo ang girlfriend na si Maine Mendoza dahil ilang beses na rin naman silang nag-abroad, pero mukhang malabong mangyari ‘yon dahil sa isang interview ay nagpahayag na ang dalaga na medyo busy siya ngayon kaya nga hindi na rin daw siya araw-araw na mapapanood sa “Eat Bulaga”.

Dalawa kasi ang pelikulang ginagawa niya, ‘yung with Bossing Vic Sotto na pang-MMFF 2019 at ‘yung kay Carlo Aquino na joint venture ng APT Entertainment at Black Sheep ng ABS-CBN.

Anyway, dahil busy si Maine sa work, busy rin si Arjo. Pero sa free time nila, madalas pa rin daw na magkasama ang dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy