Una sa Balita

Ogie isinugod si Nate sa ospital

0 562

Nasa Rome, Italy na ang karamihan ng mga kasali sa “ASAP Natin ‘To”. Excited na ang lahat para sa event na ‘yon.

In fairness, ang mga kaibigan ko around Europe, go rin doon, huh!

Si Ogie Alcasid nga pala ay noong Wednesday night lang umalis pa-Rome. Bale ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid ay nauna na noong Tuesday night.

Akala ko ay nag-“It’s Showtime” pa si Ogie at nag-judge ng “Tawag Ng Tanghalan” noong lunch time day, pero hindi na raw.

Sabi ni Ogie, “Hindi na. Had to take Nate also to doctor. Masakit tiyan, but he’s ok na.”

At least, naging ok si Nate, kaya nakampante nga raw si Ogie nang umalis pa-Rome.

‘Eat Bulaga’ Dabarkads mega rampa sa UAE

Mamayang gabi na ang show ng “Eat Bulaga” sa Dubai World Trade Center at bukas ay aalis kaagad sila pabalik ng Philippines. Ayon sa isang staff na naka-DM (direct message) ko, enjoy naman daw sila sa kapapasyal.

Bale sina Bossing Vic Sotto and wife Pauleen Luna, Joey de Leon, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste ang nauna na roon, pero si Alden Richards, ngayon pa lang ang dating sa Dubai, United Arab Emirates.

Actually, noong 2008 ay nakapag-Dubai na rin ang “Eat Bulaga” at nakasabay pa nga nila ang group namin na nandoroon naman para sa taping ng “Asero” ng GMA-7 na pinagbidahan ni Richard Gutierrez.

Tama ba, Dondon, kasama ka pa that time?! (Yeah, Jun Lalin – DS).

Kathryn, Daniel eeksena sa Dubai

Sa December 1 ay ang mag-sweetheart na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nasa Dubai (nasa Rome na sila noong Wednesday for “ASAP Natin ‘To”). Same venue rin sila ng “Eat Bulaga”.

Kasama naman ng KathNiel sa Dubai sina Kakai Bautista at DJ Jai Ho.

Ang bongga at ang daming mga Filipino star ang nagpupunta ngayon sa Dubai, huh! Kamakailan, nanggaling din sa Dubai si Lovi Poe for Bench naman.

Richard sobrang na-miss si Sarah

Ang sweet ni Richard Gutierrez dahil kasama siyang sumundo sa airport ng mga anak na si Zion at Kai kay Sarah Lahbati. May pa-flowers pa sila for Sarah, huh!

More than 10 days lang naman nawala si Sarah, pero parang isang taon daw ‘yon.

Sobrang miss na miss daw nila si Sarah kahit na araw-araw naman silang nagbi-video call, huh!

Ngayong nakabalik na sa bansa si Sarah ay ang kasal nila ni Richard on March next year ang tututukan niya.

Of course, busy rin si Sarah sa pagtulong sa promotions ng movie ni Richard with Bea Alonzo and Angelica Panganiban, ang “Unbreakable”, na showing na sa November 27.

Nangako nga sa akin si Sarah na a-attend sa pa-block screening ko on that day. Sabi ko sa kanya, isama rin si Mommy Esther Lahbati.

Anyway, pagdating noong Tuesday, sobrang bonding time si Sarah sa kanyang mag-aama.

How sweet! Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy