Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ogie inilantad ang alter ego na si Eydie Waw

0 283

Kaloka si Ogie Alcasid, oh! Heto nga at ibinida niya ang mga alter ego niyang sina “Eydie Waw” at “The Wawettes” bilang mga bagong musical comic act sa novelty song niyang “Maga Ako, Manas Ako” mula sa Star Music.

“Ang “Maga Ako, Manas Ako” ay ang theme song ng mga naistak sa bahay ‘pag quarantine. ‘Di makatulog kaya kumakain sa gabi. Ito ang pinagdaanan ni Eydie Waw at nais niya itong ikwento kasama ng mga Wawettes,” sabi ni Ogie.

Dalawang linggo nang nagpo-post ng teaser ng mga karakter si Ogie sa Instagram, kung saan makikita ang pag-transform niya bilang si Eydie Waw, at sina Tracy, Berta, at Shannon ng The Wawettes na ikinatuwa ng mga follower niya at mga kaibigan sa industriya.

Nag-post din siya ng picture niya na kinakanta ang awitin bilang si Eydie Waw sa “ASAP Natin ‘To” stage kasama ang asawa niyang si Regine, pati na sina Kim Chiu, Zsa Zsa Padilla bilang The Wawettes.

Bukod sa pagiging respetadong singer-songwriter at OPM icon, kilala si Ogie bilang komedyante at parodist, na gumagawa at gumaganap sa iba’t ibang orihinal na comical characters at nagi-spoof ng mga TV show, pelikula, at commercial.

Alamin kung makaka-relate ka ba sa istorya nina Eydie Waw at ng The Wawettes sa “Maga Ako, Manas Ako,” na mapapakinggan na sa iba’t ibang digital music streaming platforms. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.