Una sa Balita

Ogie hindi apektado sa ‘banggaan’ kay Regine

By
0 2,110

Dahil sa Saturday na ang pilot telecast ng The Clash ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid, nag-congratulate si Ogie Alcasid sa Asia’s Songbird.

Kahit nga marami ang nangangamba na magkakasabay kahit paano ang The Clash at ang Your Face Sounds Familiar Kids kung saan ay isa siya sa judge, nag-effort pa rin si Ogie na i-congratulate si Regine, huh!

Wala naman sigurong magiging issue roon lalo na at ang sabi naman ni Ogie ay hindi siya sigurado kung magkakatapat ba sila tuwing Saturday at Sunday.

Saka pareho namang professional ang mag-asawa, kaya hindi naman sila basta-basta magpapaapek­to sa mga ganoong tapatan, ‘noh?

Anyway, noong Monday night pa nakabalik si Ogie mula sa Honolulu, Hawaii kung saan ay nakasama siya sa ASAP Live in Honolulu ng TFC (The Filipino Channel).

Nag-enjoy si Ogie sa stint nila sa Honolulu, pero hindi na raw siya nag-extend pa dahil marami rin naman siyang dapat asikasuhin dito sa atin lalo na ang first Cinemalaya entry niya na Kuya Wes.

Habang ka-text ko nga si Ogie kahapon ay papunta na siya sa launch ng Ci­nemalaya at happy nga raw siya na nagawa niya ang Kuya Wes.

May mga nagsasabi naman na magaling si Ogie sa kanyang Cinemalaya entry kaya puwede raw siyang magkaroon ng award dito.

Ang mga fan naman ni Ogie (pati ni Regine) ay nangangakong susuporta sa Kuya Wes, kaya puwede rin namang dumugin ito sa takilya, huh! Ang Kuya Wes kaya ang mangunguna sa Cinemalaya this year? Puwede!

Oo nga pala, naikuwento rin ni Ogie na first time niyang maging co-producer sa isang pelikula at dahil naniniwala siya sa project na ito ay bumakas sila ng kanyang A-Team sa Spring Films ni Piolo Pascual.

Ay, oo nga pala, co-producer din si Piolo sa Kuya Wes, kaya pati ang mga fan niya ay siguradong susuporta rin sa Cinemalaya entry ni Ogie, huh!

Say Alonso may secret project sa Abante

Naaliw ako kay Say Alonzo nang tawagan ko siya noong isang araw. Inakala talaga niya na tatanungin ko na naman siya tungkol sa kaibigan niyang si Ara Mina.

Sabi ko naman kay Say, hayaan na namin ang mga issue kay Ara dahil ayoko rin naman na pati siya ay maipit dahil magkaibigan nga sila ng aktres.

Ang pinag-usapan namin ni Say ay ang tungkol sa isang ‘secret’ project pa na involved ang Abante na sobrang ikina-excite namin pareho.

Ilang taon din kasi kaming nagkasama ni Say noon sa Stop, Talk & Listen ng Viva Cinema at magkakasama nga uli kami sa isang project na pareho naming tinanggap kaagad.

Going back to her friendship sa very controversial ngayon na si Ara, sinabi niyang hindi rin naman niya tinatanong ang aktres tungkol sa bagay na ‘yon.

Hindi rin naman nagkukuwento sa kanya si Ara, kaya wala rin naman siyang puwedeng isagot sa ngayon kapag natatanong ng tungkol doon, huh! 

Gabby ayaw pakawalan ng GMA

Parang tahimik ngayon si Gabby Concepcion, kaya inusisa ko ang isang malapit sa kanya kung ano ba ang latest sa aktor?

Expiring na pala ang exclusive network contract ni Gabby sa GMA 7, pero malapit na rin daw mag-renew ang aktor. So, hindi pa rin pakakawalan ng Kapuso network si Gabby, ‘noh?!

Hinihintay na lang daw ang pagbabalik sa bansa ni Popoy Caritativo (na nasa Europe ngayon) at pipirma na uli ng renewal sa Siyete ang aktor!

Malamang din daw ay mag-taping na si Gabby para sa bago niyang series sa Siyete ngayong August.