Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ogie happy sa balik live ng ‘Showtime

0 158

Nag-live na uli ang ABS-CBN noontime show na ‘It’s Showtime’ kahapon after ng more than a week na pagre-replay.

Nagdesisyon sila na mag-reply muna noong kasagsagan ng pagdami ng Covid-19 dahil sa Omicron variant.

Pero kahapon nga ay balik na sa pagpapasaya ng madlang pipol ang grupo nina Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro.

Actually nang maka-chat namin si Ogie Alcasid noong Sunday, excited siya na balik-live na nga sila kahapon.

Si Ruffa Gutierrez naman na isa sa mga hurado sa ‘Sexy Babe’ segment ay nagsabing first work niya kahapon sa ‘It’s Showtime’ ngayong 2022.

Nasa studio na siya nang maka-chat ko at second gap pa raw ang salang nila.

Anyway, kung live na ang ‘It’s Showtime’, sa Sunday naman, magla-live rin ang ‘ASAP Natin ‘To’.

Nice!

Richard naudlot b-day party sa Switzerland

Noong Sunday naman ang first day ko rito sa Geneva, Switzerland.

Ang sweet ng tatay at nanay ni Sarah Lahbati dahil instead na sa isang kaibigan dito ako mag-i-stay, nag-offer sina Abdel at Esther Lahbati na sa kanila na lang ako para araw-araw kaming magkasama.

Sabi ni Tita Esther, sayang daw talaga at hindi natuloy rito si Sarah at ang pamilya ng anak (Richard Gutierrez, Zion at Kai), sana raw ay magkakasabay-sabay kami.

Dapat kasi ay sa Geneva nga magse-celebrate ng birthday si Richard on Friday, pero nagdesisyon na huwag na lang sila umalis ng Philippines.

Anyway, kahit hindi naman sila magkakasama rito, araw-araw naman kung mag-video call si Sarah sa kanyang parents.

Noong Sunday nga, nakasama pa ako sa pagbi-video call nila, kaya nagulat pa sina Zion at Kai na kasama ko ang kanilang lolo’t lola, huh!

Nang um-attend naman kami nina Tito Abdel at Tita Esther ng isang birthday get-together ng isang Pinay, tinawagan namin si Annabelle Rama at sa kanya naman kami nakipagtsikahan.

Pati nga si Eddie Gutierrez ay naki-join sa tsikahan.

Parehong nakapunta na rito sa Geneva ang mag-asawa at nami-miss na nga raw nina Tito Eddie at Tita Annabelle ang lugar na ito.

Actually, Dondon (my dear editor), kapag nasa abroad talaga ako ay mas nakakatsikahan ko sina Bisaya dahil kapag nahome-homesick ako, I just call my family and friends.

‘Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.