Una sa Balita

Ogie, bawas muna sa patawa!

By
0 8

Focus muna si Ogie Alcasid sa pagkanta. Bawas muna siya sa pagiging komedyante kahit sumusundut-sundot siya sa mall show niya ng bagong album na NakakaLokal last Saturday sa Robinson’s Magnolia.

Batid niyang hirap ngayong mag-release ng original Pilipino music pero nang gawin niya ang NakakaLokal eh impressive agad ang sales nito.

“Natutuwa sila sa tema. Parang may bumili nga kanina ng 300 CDs. Siyempre kasama namin ang orchestra kaya may premium,” say ni Ogie after ng mall show.

Bihira ngang mabigyan ng chance ang isang artist na makasama sa album ang isang orchestra kaya sobrang saya niya.

Ayon kay Ogie, brainchild niya ang bagong album mula songwriting hanggang sa production. Lumabas ang creativity niya nang bigyan ng go signal na mag-record kasama ang orchestra.

“Parang sinasabi sa akin ni Lord na hindi ko dapat pabayaan ang singing ko dahil ‘yun ang binigay Niya sa akin. Tutok talaga ako,” rason ni Ogie.

Special guest ni Ogie sa mall show niya ang asawang si Regine na may partisipasyon sa album ng classic hits niyang Kailangan Ko’y Ikaw, Pangako, at Hanggang Ngayon. Present din ang anak nilang si Nate at ang dalaga niyang si Leila Alcasid.