Una sa Balita

OFWs nakinabang sa ‘on the spot’ ng Build Program

By
0 140

Sa ginanap na Build Build Build Infrastructure Program sa unang Jobs Jobs Jobs caravan sa ilalim ng administrasyong Duterte, nakinabang din ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa mga karaniwang mga aplikante na naghahanap ng trabaho.

Si Sanny Belarmino, dating OFW, ay isa sa agad na natanggap bilang safety officer sa on the spot sa ginanap na caravan na i­norganisa ng mga ahensiya ng Build Build Build kasama ng kanilang mga kontratista.

Mahigit 35 kontraktor para sa panguna­hing proyektong Build Build Build ay tumanggap din ng mga bagong inhinyerong sibil, arkitekto, tubero, mga karpintero, at iba pa.

Si Johndel Parizal, na natanggap bilang field civil engineer, ay pinayuhan ang mga aplikante ng trabaho na maghanap ng mga pagkakataon sa Pilipinas sa halip na sa ibang bansa.

Si Ace Ramirez, na mula sa Palawan ay lumuwas ng Maynila para sa isang interbyu ngunit hindi ito pinalad na matanggap. Ngunit sinuwerteng matanggap nang magawi sa event ng Jobs Jobs Jobs. 

Ang Jobs Jobs Jobs caravan na ginanap sa SMX Convention Center ay tanging isa sa unang maraming job fairs na inor­ganisa ng Build Build Build agencies sa buong bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Build Build Build Program ay naglalayong hikayatin ang mga OFW na umuwi ng bansa.

“The Build Build Build is envisioned to increase the productive capacity of our economy by crea­ting more jobs and crea­ting an investment climate that will sustain inclusive growth and uplift the living conditions of all our Filipino countrymen, especially our Bagong Bayani, our overseas Filipino workers,” ani Bello.