Una sa Balita

OFW wagi ng 10 gramong ginto sa weight loss challenge

0 829

Sa bawat isang kilong mababawas sa timbang, isang gramo ng ginto ang ibibigay na premyo sa isang patimpalak sa Dubai.

Naengganyo ang 34-anyos na Filipino expat na si Romal Maniyok na sumali sa Dubai Fitness Challenge at isa sa ginawa niyang hakbang para makabawas ng timbang ay ang paglalakad ng sampung kilometro bawat araw.

Bukod sa paglalakad, nagbawas din ito sa pagkain at tinitira lamang ang non-vegetarian food tuwing weekend. Sumasabak din ito sa mga libreng fitness session.

Makalipas ang isang buwan, nabawasan ng sampung kilo ang timbang ni Maniyok kaya’t nagwagi ito ng sampung gramo ng ginto mula sa Al Ghurair Center sa Deira.

Ang reward ay bahagi ng ‘Lose to Win Gold’ challenge ng Al Ghurair Center.

Nagtapos ang challenge noong Nobyembre kung saan tinatayang 9,500 ang lumahok.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy