Una sa Balita

OFW updates (Part 2)

By
0 116

OFW updates (Part 2)

Tapos na ang amnestiya para sa mga undocumented workers at iligal na residente sa Saudi Arabia. Dahil dito, nagsimula na nitong Nov. 15, 2017 ang crackdown o pag-aresto sa mga TNT sa KSA. Hindi lang mga Pinoy ang target ng mga awtoridad kundi ang kahit anong nasyonalidad na mapapatunayang lumalabag sa batas kaugnay sa overstaying.

Nagbabala rin ang Saudi Ministry of Interior na mananagot sa batas ang mga kumukupkop at nagtatago ng mga illegal na manggagawa.

Matatandaan na sa ilalim ng kampanya ng KSA na nais nila maging “Nation without violations”, unang nagpatupad ng 90-day amnestiya na magtatapos dapat noong Hunyo 25, 2017 pero pinalawig pa ito ng 90 na araw. Muling pinalawig ang grace period na ito hanggang sa tulu­yang nagtapos na noong Nobyembre 14, 2017.

Hindi lang second chance ang binigay sa mga undocumented workers kundi so many chances upang itama ang mali. Kaya wala na tayong pwedeng idahilan kung sakaling mahuli at panagutin sa batas.

Sa ilalim ng amnestiya, pinapayagan ng pamahalaan ng KSA na umuwi sa kanilang bansa ang mga illegal workers na walang parusa, multa, o pagkabilanggo. Maaari ding bumalik sa Saudi Arabia para magtrabaho muli sa legal na paraan.

***

Good news para sa mga OFW. Magsisimula na sa January 1, 2018 ang pag-isyu ng Department of Foreign Affairs ng pasaporte na 10 years ang validity. Nagpalabas na ng implementing rules and regulations ng batas na Republic Act 10928 na nagpapalawig sa validity ng passport na mula sa 5 taon ay gagawing 10 taon.

Sa ilalim ng RA 10928, ang mga regular na pasaporte na magiging valid sa loob ng 10 taon ay ipagkakaloob sa may mga edad 18 pataas. Ito ay para sa mga bagong aplikante at mga magpapa-renew ng kanilang pasaporte. Samantalang sa mga menor de edad ay mananatiling 5 taon ang validity ng mga pasaporte.

***

Verse of the Day: “He who works with his hands is a laborer. He who works with his hands and his head is a craftsman. He who works with his hands and his head and his heart is an artist.” – Francis of Assisi

***

Makinig sa “Radyo OFW” 8:00-10:00 pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM; Facebook live: www.fb.com/Radyo­OFW; E-mail: rad­yoofw@gmail.com.