Una sa Balita

OFW terminal fee hawak na ng MIAA — CebuPac-Gokongwei

0 242

NILINAW ng Cebu Pacific (CebuPac) na ipinasa na nila sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang kinolektang terminal fee sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ginawa ng kompanyang pag-aari ng mga Gokongwei ang pahayag matapos lumabas sa Abante ang panawagan ni Leyte Rep.

Henry Ong sa mga airline company at mga opisyal ng pali­paran na madaliin ang refund ng terminal fee ng mga OFW.

“Cebu Pacific already turned over all unrefunded terminal fees to MIAA. It’s up to MIAA and other government entities to set the policy and regulation of how to refund,” ayon sa statement ng kompanya.

Ipinaliwanag pa nila na hindi bahagi ng kita ng kompan­ya ang terminal fee, kundi kino­kolekta lamang nila ito ‘in ­behalf of airport authorities.’

“Besides, we will need proper guidance and coordination because we also need to abide by data privacy laws,” dagdag ng kompanya.