Una sa Balita

OFW sa UAE nagpasaklolo sa DFA

By
0 191

Nanawagan ang magulang ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Philippine Embassy at Department of Foreign Affairs (DFA) na kumilos upang matulungan ang kanyang anak na pinag-initan at pinakulong ng kanyang amo sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) matapos na itakbo ng kasamahan sa trabaho ang ma­laking halaga ng pera.

Personal na lumapit sa Abante si Ma. Susana, ina ng OFW na si Nicole Ca­rillo Ayers na nagtatrabaho sa Condor Travel Agency sa nabanggit na bansa na pagmamay-ari ng isang Syrian national na nag­ngangalang Basheer.

Ayon sa ginang, nag-isyu umano ng plane ticket ang kasamahan ng kanyang anak sa trabaho na si Jenefer Fortez na aabot sa P280,000 subalit bigla umanong hindi na pumasok sa trabaho si Fortez hanggang ang kanyang anak na si Nicole ang ipakulong ng amo.

Gayunpaman ay mabilis na nahuli si Fortez at inamin umano nito sa Abu Dhabi Police na kanyang nagalaw ang naturang halaga at nangako na isasauli sa lalong madaling panahon.

Nakalabas lamang umano ng kulungan si Ayers nang makapagpiyansa ng mahigit sa P30,000 sa tulong ng mga kaibigan at kaanak subalit posibleng ibalik sa kulungan sa katapusan ng buwan ng Nobyembre 2017 sakaling hindi masauli ni Fortez ang nagalaw na halaga. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy