Una sa Balita

OFW sa Kuwait na ikukulong sa drum ng amo sinagip

0 421

MATAPOS mag-viral sa social media ang paghingi ng tulong ng mga kapwa OFW para kay Delia Solomon na nasa Kuwait, masayang ibinalita ni DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Dodo Dulay na nasa embahada na ang Pinay worker.

Sa viral Facebook post ni Templo Barneza V’yhaLee, ibinalita niyang nasa panganib si Solomon dahil kinuha ng amo nito ang kanyang charger pati na ang kanyang mga papeles.

Mabuti na lang aniya at naitago nito sa bra ang kanyang cellphone. Binantaan daw ito ng employer sa Kuwait na ilalagay sa drum na may tubig kaya agad siyang humingi ng tulong para kay Solomon.

Sabi ni Usec. Dulay, tinatrabaho na nila na maibalik si Solomon sa kanyang pamilya sa Pilipinas sa susunod na linggo.

“While a distressed OFW’s plea was going viral in social media yesterday, our Kuwait PE worked quietly on extracting her. We are happy to report that she is now sheltered in our Embassy and we’re working on reuniting her with her loved ones next week,” tweet ng DFA Usec. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More