Una sa Balita

OFW rescue sablay sa pabida ng DFA

By
0 3,340

PUWEDENG humantong sa international incident at mapaypayan ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait sa ginawang rescue mission ng Philippine Embassy sa Kuwait na nasa ilalim ng pamamahala ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Nagbabala si Muntinlupa City Rep. Ruffy Bia­zon, miyembro ng House Committee on Foreign Relations na maaaring mauwi ang umaasim na relasyon ng Kuwait at Pilipinas sa diplomatic conflict.

“The Philippine Embassy Officials in Kuwait must explain the reason why they chose to go against these principles and rules and conduct a covert operation that risked the reputation of the Philippines and its relationship with the host country,” sabi ni Biazon.

Hindi man direktang binanatan ng mambabatas ang pinuno ng DFA na nangangasiwa sa mga embahada kabilang ang Kuwait ay pinasaringan nito ang pangyayari na tila ang pakiwari sa ginawang rescue mission ay isang publicity stunt dahil ibinida sa social media.

Kaya naman naniniwala ang kongresista na dapat kastiguhin ang mga sangkot na opisyal sa DFA.

“The Ambassador must be recalled and the other embassy officials responsible for the ope­ration should be held accountable. To better understand the point against the operation, we should ask ourselves this: how would we feel if a similar action was undertaken by the embassy of another country in Philippine soil?” ayon kay Biazon.

“While the intent of the operation was good, that is, to take Filipino workers out of abusive situations, the execution was poorly planned, undiplomatic, and irresponsible. It now puts the Philippines-Kuwait relationship in jeopardy,” pahayag pa ni Biazon.

Mahalaga aniya ang koordinasyon upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at misencounter.

Samantala, isang source ng Abante ang nagkumpirma sa rescue na bahagi ng propaganda dahil nagbitbit pa ng media mula sa Pilipinas ang DFA para i-cover ang pangyayari na muntikan pang madamay.

Isang source ng Abante na kasama sa mga nag-cover sa rescue ang nagsabing kung hindi sila nakarating sa tamang oras sa airport ay baka ikinulong sila ng Kuwait government.

“Hindi ko alam na ganun ang mangyayari dahil sa nai-upload na video. Pati kami masasabit,” pahayag ng ayaw na magpabanggit ng pangalan na kagawad ng media.

Ikinalungkot din ng ilang media na may apat na driver na kasama sa nag-rescue ang ikinulong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy