Una sa Balita

OFW nahimatay sa tear gas ng Hong Kong police

By
0 338

Hindi na nakapagtakip ng bibig kaya hinimatay ang isang overseas Filipina worker (OFW) sa Wanchai district matapos lamunin ang lugar ng tear gas na sinaboy ng Hong Kong police laban sa mga raliyista.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News at Agence France-Presse, galing ang tubong Davao na Pinay na si Joy Palmera, 30 anyos, sa isang laro ng basketbol ng mga OFW sa nasabing distrito.

Agad pinasok sa ambulansya si Palmera, na hanggang ngayon ay wala pa ring malay, ayon sa isang source.

Nitong Linggo, muling bumugso ang mga protesta laban sa emergency ban sa mga face mask.

Ayon sa pamunuan ng Hong Kong, pinasa ang panukala upang tulungan ang pulisya na supilin at pahinain ang mga protesta sa lugar.

Higit apat na buwan na nang magsimulang magrali ang mga Hongkonger laban sa extradition law kung saan puwedeng dalhin sa Tsina at iba pang teritoryo nito ang mga taga-Hong Kong na may kaso.

Bagama’t binasura na ngayon ang panukala dahil sa mga protesta, tinuloy pa rin ng mga Hongkonger ang mga pagkilos, upang tutulan naman ang pandarahas ng Hong Kong police sa mga raliyista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy