Una sa Balita

OFW nag-marathon sa 4 na kontinente

0 540

Gusto lang sanang magpapayat ni Ann Uvero, 37, kaya sumali siya sa marathon.

Subalit sa paglipas ng maraming taon, nakatakbo na siya sa marathon sa apat na kontinente – sa Asya, Europe, Middle East at Estados Unidos.

Kuwento ni Uvero, nagsimula siyang tumakbo noong 2014 bilang bahagi ng bonding­ sa pamilya. Subalit nagustuhan nila ang ehersisyong ito kaya linggo-linggo na siyang tumatakbo.

Kalaunan ay sumali na siya sa 10 kilometer race noong Disyembre 2014 na natapos niya ng isang oras at apat na minuto.

Kahit ngayong nagtatrabaho na siya sa Dubai, United Arab Emirates, tuloy pa rin ang pagsabak niya sa mga marathon.

Sa ulat ng The Filipino Times, kabilang sa kanyang mga nilahukan ay ang Standard Chartered Dubai Marathon, ang Kazbegi Mara­thon sa Georgia, Athens Marathon sa Greece, Istanbul Marathon sa Turkey, BMW Berlin Marathon sa Germany at Chicago Mara­thon sa USA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More