Una sa Balita

OFW na naging illegal recruiter kalaboso

By
0 1,542

Arestado ng National Bureau of Investigation-Criminal Intelligence Division (NBI-CRID) ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia na ilegal na nagre-­recruit ng mga aplikante papunta sa naturang bansa.

Kinilala ni NBI ­Director Dante A. ­Gierran ang suspek na si Rico Paguio, residente ng Dagupan St., Tondo, Maynila.

Nahuli ito sa isang entrapment operation matapos na magreklamo sa NBI ang anim na indibiduwal na nirecruit umano ng suspek papuntang Saudi Arabia. Nahuli ito sa isang restaurant sa Maynila noong Enero 11.

Pinalabas umano ng suspek na konektado siya sa Sunergeous Manpower Services Corporation, pero sa katunayan ay nag-resign na siya sa kumpanya mula pa noong Pebrero, 2017.

Nalaman na nakakuha umano ang suspek ng halagang 98,200.00 sa mga biktima bilang downpayment sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.

Napag-alaman pa na may 50 pang indibiduwal ang nabiktima ng suspek.

Nagreklamo umano ang mga biktima matapos makakuha ng sertipikasyon sa POEA na hindi awtorisadong mag-recruit ng mga manggagawa sa abroad ang suspek.

Si Paguio ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8042 (Large Scale Illegal Recruitment) at Estafa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy