Una sa Balita

OFW inabisuhan sa passport renewal

By
0 6

Nais impormahan ng Department of Foreign Affairs ang mga overseas Filipino workers sa Riyadh Saudi Arabia ukol sa mga bagong requirement sa pagproseso, pagkuha at renewal ng Machine Readable-Ready (MRRP/Green) o Machine Ready passport (MRP/Maroon) booklets.

Ayon sa DFA, ang aplikasyon para sa passport ay maipoproseso lamang sa oras na makapagsumite ng Actual Machine Readable-Ready (MRRP/Green) or Machine Ready Passport (MRP/Maroon) booklet; Authenticated Philippine Statistics Authority (PSA)-Issued Birth Certificate; isang valid identification document at supporting documents kung kinakailangan gaya ng Authenticated Philippine Statistics Authority issued Marriage Contract.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Riyadh na umaasa silang susunod ang mga OFW sa bagong polisiya at kung hindi umano kumpleto ang mga nabanggit na requirement ay hindi sila magpoproseso ng passport application.