Una sa Balita

OFW hospital itatayo sa Pampanga

0 324

GAGAWIN na sa lalong madaling panahon ang pagtatayo ng ospital para sa mga overseas Filipino worker (OFW) matapos lagdaan ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Department of ­Labor and Employment (DOLE) at pribadong mga donor.

Inaasahan itong matatapos sa May 2021.

Sa isang seremonya na ginanap sa Kingsbo­rough Convention Center sa San Fernando, Pampanga, pinangunahan ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ang mga opisyal sa paglalagda sa kasunduan bilang pagsisimula ng konstruksyon ng OFW hospital sa dalawang hektaryang lupain sa Brgy. Sindalan.

Kasama sa lumagda sa MOA sina Pampanga Gov. Dennis Pineda, Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Lilibeth David, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairperson Andrea Domingo, at Atty. Ellan Mark Pailan ng Bloomberry Cultural Foundation.

Ayon kay Bello, itatayo ang ospital bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga OFW na patuloy na tumutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga perang ipinapadala. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More