Una sa Balita

OFW galing Saudi bantay-sarado sa MERS-CoV

By
0 398

ISANG lalaking overseas Filipino worker (OFW) na galing sa Saudi Arabia ang hinihinalang tinamaan ng Middle East respiratory syndrome coronavirus o MERS-CoV.

Nabatid kay Dr. Edu­ardo Janairo, director ng Department of Health (DOH) sa Region IV-A o Calabarzon, ang 47-an­yos na pasyente, residente ng Sta. Cruz, Laguna ay nakaramdam ng mga sintomas mula nang duma­ting ito sa Pilipinas kaya dinala ito sa Laguna Doctors Hospital dakong alas-11:00 Martes nang gabi.

Nilinaw ni Janairo na hindi pa kumpirmado, at suspetsya pa lamang ito dahil nagmula ang pasyente sa Gitnang Silangan, kung saan nag-originate ang MERS-CoV. Kaya naman inilipat na ang pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa dakong alas-siyete nang umaga kahapon upang kaagad na masuri at malunasan.

Pansamantalang isi­nara ang emergency room (ER) ng natu­rang pagamutan para sumailalim sa disinfection. Maging ang pamilya at mga taong direktang nakahalubilo ng pasyente ay sasailalim sa quarantine.

Ang MERS-CoV ay may kahalintulad na sintomas ng trangkaso, ubo at sipon. Malalaman lamang ang kaibahan nito kung isasailalim sa pagsusuri ang pasyente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy