Una sa Balita

OFW and Family Summit sa Nov. 15

By
0 7

Sa darating na Nobyembre 15 ay idaraos ang ika-anim na taon ng OFW and Family Summit na gaganapin sa World Trade Center sa Buendia, Pasay City.

Pangungunahan ni Senator Cynthia Villar ang pagdaraos na ito na gaganapin mula alas-otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon. Ang tema ngayong taon ay ‘OFWs at Pag-nenegosyo: Partners for Change’.

Sa isang press confe­rence, sinabi ni Sen. Villar na layunin ng nasabing event na tumulong at payuhan ang mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya sa paraan ng pag-i-invest ng pinaghirapan nilang kita para sa kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng lecture hinggil sa financial literacy.

Ang entrance sa summit ay libre at inaanyayahan ni Sen. Villar ang mga interesado na maaaring magparehistro online sa www.ofwsummit2016.villarsipag.org.