Una sa Balita

OFW e-card drawing lang! Bello, Cacdac, Ignacio binira

By
0 461

DISMAYADO ang isang overseas ­Filipino worker (OFW) sa palpak na e-card ng Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) dahil muntik na siyang hindi makaalis ng bansa sa ­takdang oras pabalik sa kanyang ­trabaho sa Singapore.

Sa isang Twitter post na ibinahagi ng isang netizen, inihayag ng OFW na si Marry Ann Bensa na isang palamuti at basura sa katulad niyang OFW ang e-card na inisyu ng OWWA dahil muntik na siyang maiwan ng flight pabalik ng Singapore noong Enero 4, 2019.

“Ang sabi nyo pag my OFW e-card na kami or aq no needs na OEC dahil sa ofw e-card na kapalit ng OEC,” ayon sa post ni Bensa na pinatutungkulan sina DOLE Secretary Silvestre Bello, OWWA chief Hans Cacdac at Director Arnel Ignacio.

Nabatid na naospital ang anak ni Bensa kaya kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas noong Disyembre 13, 2018.

Pagbalik niya sa Singapore noong Enero 4, ginamit ni Bensa ang kanyang OFW e-card pero ayaw itong tanggapin ng Immigration counter sa NAIA Terminal 2 dahil wala umano sa ‘system’ nila ang kanyang pangalan at BM ­number na nakalagay sa ID.

“Nagkalitsi litsi aq dun sa immigration at itibaboy (itinaboy) aq sa owwa uli para maqkuha ng OEC sa 1 and half hour q sa pila sa immigration naging useless dahil sa ofw e-card q na basura lang pala,” ani Bensa.

Napaiyak na umano siya dahil alas-10:00 ng umaga ang flight niya pero hindi pa makaalis.
Bumalik siya sa OWWA at pinakita ang kanyang OFW e-card at tinanong kung bakit hindi niya ito magamit. Nag-check naman ang OWWA at ­lu­mabas na wala nga umano sa ‘system’ nila ang OFW e-card ni Bensa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy