Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

OFW bistado sa pinekeng pagkatao

0 35

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang biktima ng human trafficking nang mabuking na pineke nito ang tunay na pagkatao.

Ang biktimang hindi na pinangalanan bilang pagsunod sa anti-trafficking laws, ay mula sa Cotabato.

Nagtangka itong umalis sa pamamagitan ng Qatar Airways flight No. QR 931 sa Clark International Airport upang magtrabaho bilang household service worker (HSW) sa Doha, Qatar.

Sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU), ang biktima ay sumailalim sa pangunahing inspeksyon at isinangguni sa pangalawang inspeksyon dahil sa paiba-iba nitong pahayag.

Kalaunan ay nabuking at inamin ng OFW ang tunay niyang pangalan at edad. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.