Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

OFW bawal muna sa Myanmar

0 35

Nagpatupad ng deployment ban ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na pa-Myanmar.

Ayon kay POEA administrator Bernard Olalia, ang deployment ban sa mga OFW ay dahil sa namumuong tensyon dulot ng kudeta sa naturang bansa.

Ito’y kasunod ng pagsasailalim ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 2 sa Myanmar.

SM food to go Banner Ad

“May kaunting kaguluhan po sa Myanmar kaya po ang POEA governing board ay nagpatupad at nagpalabas ng isang resolution na kung saan nakalagay po doon na Level 2 yung state of alertness doon sa nasabing bansa kaya bawal po ngayon ang new hires,” saad ni Olalia.

“Ang pinapayagan lang po natin ma-deploy sa bansang Myanmar ay yung mga balik manggagawa kung tawagin natin. Yung mga direct hires at agency hires na bago po, hindi po papayagan dahil alert level 2 po ang bansang Myanmar,” lahad pa niya. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.