Una sa Balita

OFW Bank

By
0 2,143

May sariling bangko na po ang ating mga bagong bayani, ang Overseas Filipino Bank o OFBank.

Sa pagpupursige ng Department of Finance, binuksan na po noong isang linggo ang bangkong maglilingkod sa pangangailangang pinansyal ng mga Pinoy migrant workers. Malaking tulong po sa pagtataguyod ng OFBank ang batas na ipinasa noong 2015, ang RA 10667 o ang “Philippine Competition Act”.

Ang OFBank ay para po sa mahigit 10 milyong mga kababayan nating expat o Overseas Filipino Workers (OFW’s) gayundin sa mga Pinoy immigrant at may mga resident visa. Ito po’y wholly-owned savings bank subsidiary, o 100% na pag-aari, ng Landbank of the Philippines.

Batid po natin ang problema ng mga OFW’s lalo na sa pag-iimpok at tamang paggamit ng kanilang kinikita abroad.
Marapat lamang naman pong mapalitan ng pag-angat nila sa buhay ang bawat araw na tinitiis nila sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Ang masaklap, dahil nga po sa kakulangan ng kaalaman nila sa paghawak ng salapi, nabibiktima po ng mga kung anu-anong investment scam ang ating mga OFW’s. Ang pinaghirapan nilang ipon, sa isang iglap ay naglalahong parang bula.
Ngayon, may OFW Bank na upang gumabay at mangalaga sa pinaghirapang sweldo ng mga manggagawa abroad. May makakausap na sila at may “bahay” na silang pupuntahan kapag saving, loan at investment ang pag-uusapan.

Samantalang karamihan sa mga bangko ngayon ay nagbibigay lamang ng remittance services sa ating mga OFW’s, ang bagong OFBank ay maglalaan ng deposit, loan, investment, remittance at iba pang mga financial service na kailangan ng OFW’s.

Papalawigin din po ng OFBank ang PESO ATM Savings, Time Deposits at Checking Accounts gayundin ang credit facility o pagpapautang para sa mga OFW’s at kanilang pamilya para sa pagpapatayo ng bahay o pagsisimula ng negosyo.
Makakapag-invest rin sila sa Unit Investment Trust Funds at iba pang preferred shares ng OFBank.

Noong isang taon, nagsumite po tayo ng panukalang batas, ang SB No. 210 o “Financial Literacy for Workers Act,” para makatulong sa lahat ng mga manggagawang planuhin kung paano gastusin ang kanilang sweldo, makapagtipid at makapag-impok at higit sa lahat, makapag-invest.

Isang malaking hakbang po ang pagbubukas ng OFWBank para maisakatuparan ito. Maaari po kasing magpadala ng kinatawan ang bangko sa ating mga embahada, lalo na sa Middle East tulad ng Abu Dhabi, Dubai at Bahrain upang magbigay ng financial literacy seminar sa ating mga OFW’s.

Related Posts

Mas madali rin na silang makakapagbayad ng kanilang SSS contributions, OWWA membership, Philhealth, credit card payments, at iba pa. Talagang magandang balita po ang bagong bukas na OFBank sa mga kababayan nating nasa ibang bansa.

Patuloy po nating aayusin at dadagdagan ang serbisyo para sa OFW’s lalo na po’t napakalaki ng pakinabang ng ating ekonomiya sa kanila. Ayon sa Bangko Sentral, umabot ng $28-bilyong dolyar ang remittance ng mga OFW’s sa buong taong 2017. Mas mataas po ito ng 4% kumpara noong 2016.

Ngayong may OFW Bank na, mas lalo pa po nating sisikaping maisakatuparan ang pangarap nating OFW Hospital sa ilalim ng Senate Bill 1282 o ang “Bagong Bayaning Filipino Hospital Act” para naman pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan abroad.

Job Fair Schedule

LGU-PESO Tantangan Job Fair
Municipal Hall, Tantangan, South Cotabato
January 23

44th Dinagsa Festival Job Fair
Cadiz City Arena
January 24

Trabaho, Negosyo at Kabuhayan Job Fair
LGU Dimasalang Covered Court
Dimasalang, Masbate
January 25

Tarlakenyo sa Milenyong Trabaho
2nd Floor Bulwagan ng Gobernador
Capitol Building, San Vicente, Tarlac City
January 26

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)