Una sa Balita

Oftana, San Beda malinis; Balanza, Letran mabangis

0 171

HINDI maawat sa pagpapakitang-gilas ni Calvin Oftana kaya naman nawalis ng defending champion San Beda University Red Lions ang first round ng 95th NCAA men’s basketball tournament.

Tumikada si Oftana ng 24 points, 12 rebounds at limang assists upang tulungan ang Red Lions na sakmalin ang 69-60 panalo laban sa Mapua Cardinals Biyernes sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Hindi naging madala para sa Mendiola-based team na makuha ang panalo, dahil nakipagsabayan ang Cardinals, tabla ang iskor sa 16-all sa first canto.

Kahit nakatuwang ni Oftana sina James Canlas at Donald Tankoua sa opensa ay hindi sila nakalayo sa second quarter, lamang lang sila ng dalawang puntos, 30-28, sa halftime.

Samantala, sampa sa magic four ang Letran Knights sa first round eliminations matapos silang akbayan nina Jerrick Balanza at Bonbon Batiller sa 88-64 panalo kontra College of Saint Benilde Blazers sa unang laban.

Bukod sa pagkalso sa kanilang two-game losing streak, binigyan ng Knights si Balanza ng magandang regalo sa kanyang kaarawan.

Kumana si Balanza 26 points mula sa 8-of-13 sa shooting habang 10 ang inambag ni Batiller para sa Intramuros-based squad na may 6-3 card. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy