Una sa Balita

Oftana, San Beda humirit ng Game 3

0 335

Finals Game 3 sa Martes:
(Mall of Asia Arena)
4:00 p.m. – San Beda vs Letran

NAKAHIRIT ng ­do-or-die Game 3 ang ­defending champion San Beda ­University (SBU) Red Lions matapos sakmalin ang 79-76 panalo laban sa Letran Knights sa Game 2 ng 95th NCAA men’s basketball tournament best-of-three finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinamunuan ni James Canlas ang opensa para sa Red Lions pero si Calvin Oftana ang malaki ang inambag sa endgame para itabla ang serye sa 1-1.

Hawak ng Knights ang dalawang puntos na abante, 76-74, subalit pagsalaksak ni Oftana naipasok nito ang bola at may kasama pang foul.

Naisalpak ni season Most Valuable Player (MVP) Oftana ang libreng tira para sa 77-76 bentahe may 19.1 segundo na lang sa orasan.

Nagmintis naman ang Knights at nakuha ni Evan Nelle ang bola, na foul ito kaya puwesto siya sa free throw line.

Kalmado at walang kabog kaya sinalpak ni Nelle ang panelyong puntos.

Nagtala si Canlas ng 21 points, pitong ­rebounds at anim na steals para sa San Beda ­habang tig-17 markers ang ­inambag nina Oftana at Clint Dolinguez.

Bakbakang umaatikabo ang nasilayan sa ­unang talong period, tabla ang iskor sa ­48-all wala nang dalawang minuto sa orasan.

Tumuhog ng walong sunod na puntos si Yu kasama ang back-to-back treys para sa 8-5 run bentahe ng Knights kaya lumamang sila ng talo, 56-53, papasok ng payoff period.

Kumapit ang Red ­Lions 59-59 sa ­pagbubukas ng fourth pero kumawala ang Intramuros-based squad, 66-59, may 7:48 minuto pa sa orasan. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy