Una sa Balita

Oftana MVP ng NCAA 95

0 273

HINIRANG na Most Valuable Player (MVP) ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament si Calvin Oftana matapos pangunahan ang San Beda sa 18-game elimination sweep.

Ang 6-foot-4 forward mula Dumaguete City ay may player ave­rage value na 51.56 mula sa a­verage na 15.6 points, 8.2 rebounds, 2.7 assists at 1.2 blocks.

Kabilang naman sa Mythical 5 sina Evan Nelle (45.39) at James Canlas-Kwekuteye (45.33) mula sa San Beda habang sinundan naman ito ni Allyn Bulanadi (45.28) ng San Sebastian na pinarangalan namang tournament leading scorer at Jaycee Marcelino (43.94) mula sa Lyceum.

Related Posts

Sungkit naman ni Justin Araña ng Arellano University ang Rookie of the Year habang Most Improved Player si former UE guard Fran Yu, na naglalaro para sa Letran.

Kabilang din si Oftana sa All Defensive Team kasama sina Ben Adamos mula Perpetual, JP Maguilano ng EAC at JM Calma mula sa San Sebastian. (Aivan Epis­cope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy