Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Oftana bagay sa NLEX

0 80

Ngayong nalalapit na ang 36th Philippine Basketball Asssociation (PBA) Draft 2021, nais ni Teodorico ‘Boyet’ Fernandez III na mapunta ang dati niyang player si Calvin John Oftana sa NLEX.

Ayon sa San Beda University coach nitong Linggo, pinagdarasal niyang mapasabak sa ilalim ni Road Warriors coach Joseller ‘Yeng’ Guiao ang 25 year-old, 6-5 forward, tubong Dumaguete at dati niyang player sa Red Lions, upang lalo pang mag-improve.

“Ako pinagdadasal ko na sana mapunta siya ng NLEX. Gusto ko si Calvin mapunta kay coach Yeng [Guaio] kasi mas malaki ang mai-improve niya,” anang 49-anyos na bench tactician, sa Abante Sports.

Sa tingin ni Fernandez, mas lalong kikinang ang 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) Most Valuable Player na si Oftana sa isa sa tatlong MVP team sa unang Asia’ play for pay hoop, dahil may magagaling na point guard sa NLEX.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I think they have the best point guard out there sa NLEX like Kiefer Isaac Ravena and they have a best coach like coach Yeng so I believe na mas fit doon si Calvin. Hopefully he will make it there,” hirit pa ng dating PBA cager at bench strategist.

Kung usapang pressure naman sa pagiging istrikto ni coach Yeng sa paningin ng mga miron, “Si coach Yeng ganun lang [kaistrikto] nakikita ninyo lang sa TV ‘yan, pero sa practice, iba si coach Yeng. Magiging fit ka sa sistema ng PBA,” panapos na sambit ni Fernandez.

Isa si Oftana na nakapag-national men’s basketball team (Gilas Pilipinas) na rin sa may 97 aspirante na nangangarap makapag-pro league na magbubukas sa April 9 tapos ng Draft sa March 14. (Aivan Denzel Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.