Una sa Balita

Office girl binoga sa ulo

By
0 131

Binaril at napatay ang isang babae ng hindi pa nakikilalang lalaking salarin habang naglalakad ito papasok sa kanilang opisina sa Lungsod ng Malabon kahapon ng umaga.

Sa ulat nina SPO1 Rolando Hernando at PO2 Jose Romeo Germinal II, bandang alas-9:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Block I, Damata Street, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktimang si Maribeth Villa Gonzalo, 32-anyos, may asawa, office staff at residente ng Block 4 ng nasabi ring lugar nang biglang sumulpot isang hindi pa nakikilalang lala­king armado ng baril.

Nakasuot ito ng itim na t-shirt, itim na bullcap at naka-maong shorts. Nilapitan nito ang biktima sa likuran at patutok na pinatukan sa likuran ng ulo nito. Matapos ang insidente ay mabilis ding tumakas ang suspek habang agad na nakaresponde sa lugar ang mga tauhan ng Malabon City Police Community Precinct VIII.

Mabilis na sinaklolohan ang biktima saka isinugod sa Ospital ng Malabon ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.
Hindi na rin naabutan ang suspek na ngayon ay target ng manhunt operation, sa pagsisiyasat ng Scene Of the Crime Operatives (SOCO) ay isang fired cartridges case ang narecover sa lugar.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya. Blangko naman ang pamilya ng biktima sa posibleng motibo sa pagpatay. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy