Una sa Balita

Offer of payment

0 313

Dear Atty. Claire,

Good day attorney. Nakuha ko po email address nyo sa abante.com.ph. Gusto ko po sana magtanong at humingi ng advice.

May na-loan po kasi ako last April 2017 sa online lending company. P8,000. Hindi ko po agad nabayaran sa araw ng pagbabayad, dahil nung time na yun gipit na gipit talaga ako. Then after one month nakapaghulog ako ng 2,000 para sa loan. Kaso yung lending company po sini­singil na ako ng 13,000+ at gusto po na bayaran ko ng buo. Eh hindi ko po kaya magbayad ng ganun kalaki, ang kaya ko po installment.

Hanggang sa napaba­yaan ko na po yung loan, then may nagtetext po sakin na magfafile daw ng case at magkakarecord daw po ako sa NBI.

Ngayong araw may tumawag daw po sa opisina (naka Leave ako) sabi ipapublish daw ako na may violation sa RA 8484 Art. 354. Gusto ko lang po malaman kung totoo po ba na nilalagay sa dyaryo yung mga ganung case? Ano po ang dapat kong gawin kung ayaw nila pumayag na imstallment ang pagbayad, gusto isang bagsakan, hindi ko po kaya yun.

Thank you po,
Nicai

Ms. Nicai,
Ang hindi pagbabayad ng utang ay tunay na kasi­raan ng repustayon ng isang tao kaya’t bago pa man mangutang ay dapat handa na tumapad sa obligasyon ng pagbabayad sa oras. Huwag sirain ang tiwala ng nagpautang.

Noong handa kang magbayad ng hulugan at ayaw nilang pumayag ay dapat na nagpadala ka na ng sulat na nagsasabi ng OFFER OF PAYMENT mo sa paraang kaya mo at kung ayaw pa rin ay nagpatulong ka na sa abogado upang makapagsampa ng Petition for Consignation upang sa korte na kayo mag-usap para maideposito ang bayad sa korte upang hindi na lumaki pa ang interes.

Kung ikaw ay kinasuhan na ay dapat na may nabig­yan ka na ng subpoena para sumagot sa kaso at kung wala pang kaso ay hindi nila basta-basta maipublish ang pangalan mo sa dyaryo. Hindi pumapayag ang mga kilalang dyaryo sa mga harassment ng mga collecting agency.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624/ 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy