Una sa Balita

Oedipal Complex (3)

By
0 1,007

Dear Dra. Holmes: (shortened Jan 25 letter)

Mama died just after New Year, 2018 She was 92. Dra. Holmes, pwede pa po akon mag-engage “dun”? Pinayagan ninyo po ako nang buhay pa po ang mom ko; pero nga­yon po na patay na siya, should I still engage in this practice po? Please tell me what to do. Bong

Dear Bong:

Maraming salamat sa iyong mga sulat sa taas, na una kong pinublish noong nakaraang Martes, Enero 23. Sa huling kolum niyo itong nakaraang Huwebes, Enero 25, sinabi ko na ngayon na patay na ang nanay mo, ok pa ring isipin na kayo ay nagsisiping habang nag ma-masturbate ka.

Pero kahit hindi ito masama, iniisip ko kong mayroon kang magagawa tungkol sa sex life mo maliban sa pagmasturbate at mag-fantasize tungkol sa nanay mo.

Ngayon na patay na ang nanay mo at hindi mo na siya kailangang alagaan, may posibilidad ba kaya na magbago ang sex life mo? Hindi ka na kaila­ngang manatiling mag-isa, Bong. Naiintindihan ko noon, habang buhay pa ang nanay mo, lahat ng oras mo (maliban sa trabaho) ay nakatutok sa kaniya para alagaan siya at para mayroon siyang kasama ay hindi siya nag-iisa.

Pero nga­yon, ang lahat ng oras na binuhos mo sa nanay mo ay maaari mong ibuhos sa iyong sari­ling buhay. Ano-ano ang mga libangan na maaari mong gawin ngayon na may oras ka nang magkaroon ng libangan? Saan ka maaaring pumunta para makasalubong (meet) ka ng ibang tao na maaaring mga type mo?

Hindi ko sinasabing tigilan mo ang pag-fantasize sa nanay mo. Ang sinasabi ko lamang ay, ngayon na mayroon kang oras at oportunidad ilawak ang iyon buhay, bakit hindi mo ito subukan? Malay natin, baka makadiskubre ka ng mga kaibigan at, mamaya, isang kasintahan, na maaaring makabigay sa iyo ng mas makatotohanan at pagtupad (realistic and fulfilled) na pamumuhay ngayon na ang sarili mo lamang ang kailangan mong isipin. Ingat, good luck, at sana sulatan mo nanaman ako kung mayroon pa akong maipaglilingkod sa iyo, ok, Bong? – MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes