Una sa Balita

Odette Khan wagi sa Venezuelan film fest

0 232

NASUNGKIT ng beteranong aktres na si Odette Khan ang best supporting award para sa pelikulang ‘Echorsis’ ni Lemuel Lorca, sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.

Ang 2016 comedy movie ni Lorca ay isinalang sa feature film section ng online competition.

Ang co star niyang si John Lapus ang nagbalita sa nakuhang award ni Khan kaya’t ikinabigla niya ito.

Sinabi ni Khan na hindi niya inaasahan na mananalo siya kaya’t laking pasalamat niya sa Panginoon, gayundin sa buong team sa pa­ngunguna ng producer na si Chris Cahilig.

Matapos mabakante ng ilang taon, nagsunod-sunod na ang proyekto ni Khan at humakot din ng mga award bilang best supporting actress mula sa Famas, Star at Urian para sa ‘Bar Boys’ ni Kip Oebanda.