Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Oct 29-Nov 4 `di puwedeng dumalaw sa puntod

0 168

SEMENTERYO SARADO!

Walang puwedeng bumisita sa himlayan o puntod ng kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay pagdating ng Undas.

Subalit hindi lamang ito pinagbawal sa Araw ng mga Patay kundi sa loob ng isang linggo walang puwedeng pumasok sa mga sementeryo.

Ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Infectious Diseases (IATF-MEID) ang Resolution No. 27 kung saan inutos nito na isarado lahat ng sementeryo at mga memorial park simula October 29 hanggang November 4.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Layon ng naturang hakbang na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 na pinangangambahan kapag nagsiksikan ang mga tao sa loob ng mga sementeryo na karaniwang nangyayari sa bansa tuwing Undas.

Subalit ipinahayag ng Malacañang na puwede namang bisitahin ang puntod ng mga pumanaw na mahal sa buhay simula September 17 hanggang October 28 at November 5 hanggang 15. Kailangan lamang na obserbahan ang protocol hinggil dito na maximum capacity ng 30 katao ang puwedeng makapasok sa mga sementeryo at mga memorial park.

Sinabi pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang age restriction sa mga puwedeng pumasok sa sementeryo sa nasabing mga petsa.

Matatandaang nauna nang nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na pansamantalang isara ang mga sementeryo sa National Capital Region para maiwasan ang mass gathering na posibleng magdulot ng pagkalat ng COVID-19.(Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.