Una sa Balita

Oconer tutok-karipas sa LBC-Ronda ‘Pinas

By
0 1,853

HANGAD na ipadyak ni George Oconer ng Go for Gold ang kanyang pinakaunang titulo sa Ronda Pilipinas sa pagratsada ng 2018 edition na presenta ng LBC sa Vigan, Ilocos Sur sa Marso 3.

Balik-loob matapos tumambay sa karera noong nakalipas na taon para magpokus sa national team na sumabak sa Southeast Asian Games, si 26-year-old Oconer, isa sa mga paboritong manaig sa pinakamagarbong padyakan sa bansa na may nakatayang P1 milyon na premyo.

“Masaya ako’t makakasikad na muli sa Ronda, preparado at pokus na manalo ngayong taon,” bitaw ni Oconer, na ang gilas ay naiangkas noong 2015 matapos kumapit sa segunda puwesto kay eventual champion Santy Barnachea.

Puntirya ni Oconer na mapasama sa elite company nina former winner Jan Paul Morales (2015, 2016), Barnachea ng Team Franzia (2011, 2015), Irish Valenzuela ng CCN Superteam (2012), Mark Galedo (2013) at Reimon Lapaza (2014).

Tiwala ang anak ni 2-time Olympian Norberto na mabibitbit niya ang tropang ‘alang bituka’ na may kapasidad na hamunin ang higit na pinapaborang Navy Standard Insurance ngayong edisyon ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Ang iba pang team na lalarga ay ang Army-Bictcology Shop, Nueva Ecija, Ilocos Sur, Go for Gold Developmental team, South Luzon at Tarlac Province.